Sheryl ayaw sanang saktan, apihin si Jo Berry: Pero kailangan, e!

Sheryl Cruz ayaw sanang saktan, apihin si Jo Berry: Pero kailangan, e!

Ervin Santiago |February 28,2024
facebook
share this

Sheryl Cruz ayaw sanang saktan, apihin si Jo Berry: Pero kailangan, e!

Ervin Santiago - February 28, 2024 - 08:16 AM

Sheryl Cruz ayaw sanang saktan, apihin si Jo Berry: Pero kailangan, e!

Jo Berry, Nora Aunor at Sheryl Cruz

MAY pakiusap lagi ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz kapag gaganap kontrabida o kailangan siyang mang-api sa mga eksena.

Ayon sa seasoned actress, ayaw daw kasi niyang magkontrabida sa mga co-stars niyang mas maliit, mas payat at sa mga batang-bata sa kanya.

Kaya naman ang nire-request niya sa production, sana raw ay kasing-height, weight at age niya ang aapihin at pahihirapan niya sa eksena.

Pero kailangan niyang mag-adjust para sa bagong Kapuso afternoon series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law” dahil ang kailangan niyang patikimin ng kanyang pagkokontrabida ay ang “little actress” na si Jo Berry.

Natanong si Sheryl sa presscon ng naturang teleserye kung mas madali bang apihin at saktan si Jo sa kanilang mga eksena.

Baka Bet Mo: Hugot ni Sheryl Cruz: Hindi ako mahilig sa iskandalo, ang focus ko ngayon ay trabaho

“Ang ipinakikiusap ko talaga before ay ayokong tarayan ang mga bata, ang mga mas maliliit sa akin, o sa size ko. And this project came, and it’s a blessing in disguise na rin, and I heard na rin from my cousin, si Sunshine Cruz, na magaling nga raw si Jo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So pinanood ko talaga ang mga serye ni Jo. At magaling talaga siya. So noong nag-work na kami, napatunayan ko talaga na magaling siya,” chika pa ni Sheryl.

Baka Bet Mo: Sheryl, Jeric lantad na ang relasyon; kahit 18 taon ang agwat ng edad aprub sa mga fans

Bumilib naman si Sheryl sa galing ni Jo, lalo na sa mga confrontation scenes nila kung saan kailangan silang magsakitan. Dito raw talagang gumulong si Jo, “Magaling siyang stuntwoman. Ha-hahaha! Gumulong siyang mag-isa.”

Nagkuwento rin si Jo sa isang eksena nila ni Sheryl na sa sobrang takot niya ay mas nagawa pa raw niya ito nang tama, “Sobrang thankful naman ako dahil inaalalayan po talaga nila ako sa mga eksena na heavy, lalo na sa mga physical na eksena.

“Na-starstruck din ako kay Miss Sheryl. May eksena kami na hindi ko makakalimutan. Hindi ako masyadong nakapag-ready, kasi tumakbo ako, tapos pagdating doon, sa sobrang taas ng emotions ni Miss Sheryl, nadala ako.

“Ang bilis kong nakaiyak dahil ganun niya ako sinigawan, kasi nagawa ko ang part ko agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi yung scene, ang hirap, from sa pagtakbo ko, hindi pa ako ready sa scene, pero si Miss Sheryl, parang de-button, at nadamay talaga ako. Super thankful talaga ako sa kanya. Ang galing-galing niya!” pagbabahagi pa ni Jo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending