Hugot ni Sheryl Cruz: Hindi ako mahilig sa iskandalo, ang focus ko ngayon ay trabaho Bandera

Hugot ni Sheryl Cruz: Hindi ako mahilig sa iskandalo, ang focus ko ngayon ay trabaho

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

Hugot ni Sheryl Cruz: Hindi ako mahilig sa iskandalo, ang focus ko ngayon ay trabaho

Ervin Santiago January 12, 2022 - 07:38 AM

Sheryl Cruz

HINDI man diretsahang pinangalanan ang Kapuso hunk na si Jeric Gonzales, mukhang para nga sa binata ang sagot ni Sheryl Cruz tungkol sa pagiging “maingat” sa lock-in taping.

Alam naman ng lahat na naging kontrobersyal noon ang tambalan nina Sheryl at Jeric sa Kapuso series na “Magkaagaw” dahil feeling ng mga manonood ay totohanan na ang kanilang relasyon.

Sa ginanap na online presscon ng GMA para sa book 2 ng “Prima Donnas” kamakalawa kung saan isa nga si Sheryl sa mga idinagdag na karakter, game na game niyang sinagot ang ilang maiinit na tanong.

Isa sa mga itinanong sa aktres — mas nag-iingat na ba siya ngayon sa pagsabak sa lock-in taping para hindi na siya maging subject ng mga intriga? 

Pahayag ni Sheryl, “Actually, matagal na akong maingat kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko. I don’t think na kailangan kong mag-ingat or… kasi hindi naman talaga ako mahilig sa iskandalo.

“Ang focus ko naman talaga is trabaho po. At since, iba na ngayon, di ba? New normal na tayo ngayon, ang concentration dapat nu’ng isang nagtatrabaho ay du’n sa kanyang… ang focus niya ay sa kanyang job at hand.

“And I cannot be selfish because everyone is actually pulling their weight. And kapag nakikita mo yun na they’re actually trying to help the best way they can para lang matapos ang isang taping day, you have also to put your best foot forward,” pahayag pa ni Sheryl.

Patuloy pang depensa ng aktres, “And I always tell myself again, like my teammates or my teamwork go out of hand, hindi ko siya puwedeng pabayaan na lang.

“Most especially kapag galing ka sa isang pamilya na alam mong kilala naman sa industriya, you don’t want to give them a bad… kumbaga, a bad mark because just of what you’ve done.

“I’m already at that age na I know better now, di ba? So, kung anuman yung sinasabi o ginagawang tsika diyan, pass na ako du’n because I know myself better than anyone else,” paglilinaw pa ng aktres.

Ang sundot na tanong kay Sheryl — in love ba siya ngayon at maligaya pa ang puso niya? “Sobrang happy! Walang pinaka-happy kundi ako!”


Samantala, walang pagsisisi si Sheryl na tinanggap niya ang “Prima Donnas 2” dahil bukod sa napakaganda ng kanyang role ay napakainit din ng pagtanggap sa kanya ng buong production.

“Sobrang nadama ko naman nang husto na welcome ako to be part of their family.

“Because of that, I was able to do my job well. Kasi nga, it’s hard to switch, e, from character to character.

“And with the guidance of our directors, Direk Gina who we call Inay and of course si Direk Philip Lazaro and my cast mates, it just made easier for me to execute my job, and I’m very sure na maraming mag-aabang.

“Actually, ayoko lang ma-preempt, pero abangan ninyo, kasi kaabang-abang, malapit na ‘to.

“Bagong salta nga ako, but thank you so much. First of all sa mga executives namin na mapang-unawa sila. Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagtitiwala,” kuwento pa ng aktres.

Mapapanood na ang book two ng “Prima Donnas” sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes, Jan. 17, 2022, sa direksyon pa rin ni Gina Alajar at ni Philip Lazaro.

Kasama pa rin dito sina Katrina Halili, Aiko Melendez, Wendell Ramos, Chanda Romero, James Blanco, Elijah Alejo at ang mga bidang sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

Jeric umamin na sa tunay na relasyon nila ni Sheryl: Very, very close kami, special ‘yun

Jeric na-in love na nga ba kay Sheryl; Kelvin pinarangalang ‘Fast Emerging Actor of the Millennium’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending