Hindi uso kay Ruru ang ‘nonchalant’ acting; Jo Berry swerte kay Ate Guy
SA muling pagbangon ni Elias (Ruru Madrid) para makamit ang hustisya, hindi uso ang “nonchalant” dahil OA ang reactions ng mga viewers sa high-rating primetime series na “Black Rider.”
OA as in nag-uumapaw sa samot-saring emotions ang nadarama sa bawat epsiode kaya naman talagang tinututukan ang mga eksena.
OA na excitement ang tiyak na napi-feel ng viewers dahil sa pagsasanib-pwersa ng mag-amang Elias at Senyor Edgardo (Raymond Bagatsing).
Baka Bet Mo: Daniel sa viral na pagmumura sa birthday party: ‘OA ng mga tao! Relax!’
Tapatang father and son nga raw ang mga susunod na gabi. Matatalo na kaya nila Elias ang alyansa nina Calvin (Jon Lucas) at Antonio (Jestoni Alarcon) gayong nasa likod ng kalaban ang interim president na si William (Roi Vinzon)?
Hindi rin maitago ng viewers ang OA na pagkabahala kay Bane (Yassi Pressman) ngayong nasa poder na siya ni Pres. William.
View this post on Instagram
Mistula pang may binabalak sa kanya si Calvin. Posible bang may mabuong pag-iibigan sa kanila ni Calvin o si Calvin ba ang susi para manumbalik na ang alaala ng dalaga?
At siyempre, hindi pa rin talaga mawawala ang OA na pagkamuhi ng viewers sa kasamaang patuloy na ipinapamalas ng mga kalaban.
Gigil man sila, confident pa rin ang viewers na lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan sa huli kahit pa anong paninira ang gawin ng interim president kay Black Rider.
Patindi pa nang patindi ang mga eksena kaya tutok lang sa Black Rider, 8 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
* * *
Starstruck at super kilig pa rin ang Kapuso actress na si Jo Berry sa nag-iisang Superstar at National Artist for Films and Broadcast Arts na si Nora Aunor.
Feeling blessed and grateful si Jo na muling makasama sa isang teleserye si Ate Guy. Ito na ang ikalawang beses na nagkatrabaho sina Jo at Nora para sa isang GMA series.
Baka Bet Mo: Sanya bumuwelta sa basher na nagsabing OA siya sa ‘First Yaya’, ikinumpara sa dating show ni Jodi
Ang una ay sa GMA Prime series na “Onanay” noong 2018 at ngayon naman ay sa legal series na “Lilet Matias, Attorney-At-Law” tuwing hapon.
View this post on Instagram
“So happy na makaeksena ulit ang aking Nanay Nora!” ang caption ni Jo sa kanyang Instagram post.
“‘Pag nagtitinginan kami sa eksena, madalas iiyak ako pero ngayon kailangan seryoso lang ‘pag nag-cut na tsaka na lang kami tatawa.
“Swerte ko hihi,” aniya pa.
Sa kuwento ng serye, ipagtatanggol ni Jo bilang si Atty. Lilet Matias ang karakter ni Nora na si Chato, na aksidenteng napatay ang asawa ng kanyang anak na nasa autism spectrum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.