Jo Berry sa pagpanaw ng ama, lolo, kapatid: Hindi ako makaka-move on ever
NEVER kinuwestiyon ng Kapuso actress na si Jo Berry ang Diyos sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Pumanaw ang kanyang kapatid, lolo at tatay noong 2021 matapos ngang tamaan ng COVID-19. Ito ang pinakamasaklap at pinakamadilim na bahagi raw ng kanyang buhay.
Sa naganap na grand presscon ng bago niyang afternoon drama series sa GMA 7 na “Lilet Matias: Attorney-At-Law” inalala ng aktres ang mga pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya nang humarap sa matinding pagsubok.
“Hindi ko Siya (Panginoon) kinuwestiyon kasi I have faith, and naniniwala ako na nangyari lahat kasi kailangan mangyari. Sadly, kailangang mangyari sa akin. Hindi ko naman po idedenay na nasaktan ako.
Baka Bet Mo: Jo Berry pinatunayang hindi lang ‘binabatuk-batukan’, ‘pangperya’ ang mga little people
“Lagi ko rin sinasabi na alam ko po sa sarili ko na hindi na ako maging okay like I was before. Kasi may void na, may kulang na, pero hindi ko po kinukuwestiyon,” sabi ni Jo sa panayam sa kanya ng press.
View this post on Instagram
Kaya naman nagpapasalamat siya nang todo sa mga bossing ng GMA 7 dahil hindi siya pinababayaan at talagang naghahanap ng magagandang projects para sa kanya.
“Ito po kapag may work ako, siyempre nabi-busy, and alam ko din na everytime na pumasok ako sa taping, ganun, parang meron akong additional family.
“Since eere na nga po yung Lilet Matias na nakikita ko ang mga comments ng mga tao, mga messages niya na napapasaya ko sila, nakakadagdag po na naging okay ako, na na-appreciate ko yung ginagawa ko everyday.
“Kasi di ba, ganu’n yun? Pag in pain ka, pag grieving ka, may mga days na parang ayaw mo nang bumangon sa kama, gusto mo nang matulog. Isa yun sa dahilan kung bakit ako bumabangon sa umaga na eto po nabigyan ako ng role na ito,” pahayag pa ni Jo.
Inamin din niya na habang ginagawa niya ang “Lilet Matias: Attorney-At-Law” ay naaalala niya ang the namatay na kapamilya, lalo na ang kanyang tatay na ang pangarap sa kanya ay maging abogado.
Baka Bet Mo: Bakit kayo defensive? Baka guilty? Tanong ni De Lima sa Palasyo ukol sa hakbang ng ICC sa ‘war on drugs’
Actually, gusto raw talaga niya noon na makapagtapos ng law, “I don’t think na makaka-move on ako ever. Pero ayon, pag nalulungkot ako, ginagamit ko talaga kasi yung sinasabi nga ng Papa ko, ituloy ko lang yung laro ko and share po kami sa dream na ito na gusto kong maging abogado.
“Kaya nu’ng binigay po sa akin to, ipinag-pray ko to na sinabi ko to, sabi ko sa kanya ‘Papa, sa role pa lang naging abogado na ako ngayon.’
“Bago po kasi ako naging artista, naalala ko, after ko mag-graduate ng first course, sinabi ko na gusto ko lang ma-try mag-office, mag-work, kumita ng sarili kong pera. Tapos, bumalik ako ng school.
“So eventually, bago ako pumirma ng isa pang kontrata du’n sa office ko, in-offer na po yung Onanay. So naudlot talaga yung school,” ani Jo.
Makakasama rin sa “Lilet Matias” sina Maricel Laxa, Rita Avila, Sheryl Cruz, Edgar Allan Guzman, Jason Abalos, Bobby Andrews, Lloyd Samartino, Joaquin Domagoso, Troy Montero at marami pang iba, mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..
Magsisimula na ito sa March 4, Lunes, pagkatapos ng “Abot-Kamay Na Pangarap”. Ito rin ang papalit sa “Stolen Life” nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.