Jo Berry nag-iingat sa roles, hindi ipapahiya ang may 'dwarfism'

Jo Berry nag-iingat sa mga role, hindi ipapahiya ang mga may ‘dwarfism’

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 05:31 PM

Jo Berry nag-iingat sa mga role, hindi ipapahiya ang mga may 'dwarfism'

Jason Abalos at Jo Berry

KAILANGANG ingatan ng Kapuso actress na si Jo Berry ang bawat role o karakter na ginagampanan niya sa mga ginagawang niyang teleserye.

Naniniwala kasi siya sa kanyang responsibilidad sa community ng mga taong may dwarfism condition sa Pilipinas.

In fairness, totoo naman ang sinabi ni Jo, dahil siya ang itinuturing ngayong kinatawan ng mga people with dwarfism at nagsisilbing inspirasyon ng mga kababayan natin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)


“Kada role, iniingatan ko and sini-see to it ko na magagampanan ko nang maayos and mapapangalagaan ko.

Baka Bet Mo: Geneva nang alukin ng GMA bilang kontrabida: Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan…

“Especially ‘yung mga tao na may dwarfism, kini-claim ko nang ako ang representation ngayon,” ang pahayag ng magaling na aktres sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, February 21.

Dugtong pa niya, “Isa po ‘yun sa iniingatan ko lagi na ‘yung roles when it comes sa pagtanggap ko ng iba’t ibang klase ng character, hindi magiging masama or degrading for me and for them (people with dwarfism).”

Ayon pa sa Kapuso star, gagawin niya ang lahat para magsilbing inspirasyon at good example hindi lang sa mga may kundisyon ng tulad ng sa kanya kundi sa lahat ng mga Pinoy.

“Kailangan ‘yung reputation namin is always pinapangalagaan in a way na makikita nila, na siyempre, hindi naman tayo perfect, pero hangga’t maaari eh, sana ‘yung makikita is magandang impluwensiya for us.

“Since nasa media nga po and malaki ‘yung impluwensya, hangga’t kaya po pangangalagaan at ipapakita na mabuti ‘yung mga ginagawa,” pahayag pa ni Jo Berry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)


Muli ngang bibida si Jo sa upcoming Kapuso series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law” kung saan gaganap siya bilang isang lawyer. Makakasama niya rito sina Jason Abalos, Sheryl Cruz, Rita Avila, ang Superstar na Nora Aunor at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Jo Berry pinatunayang hindi lang ‘binabatuk-batukan’, ‘pangperya’ ang mga little people

Ito ang magsisilbing reunion project nila ni Ate Guy after nilang gawin ang primetime series na “Onanay” noong 2018.

Inamin din ni Jo na pangarap talaga niya noong maging isang abogado, kaya dream come true para sa kanya ang role bilang Lilet Matias.

“Feeling ko po blessing itong pag-portray ko as Lilet Matias, parang role playing lang din siya para makita ko kung ‘yun ba talaga ang gusto ko. Feeling ko ito ‘yung binigay na chance sa akin kaya ito ‘yung role ko ngayon,” pahayag ni Jo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula umere ang “Lilet Matias: Attorney-at-Law” sa March 4 sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending