Wish ng nanay na may ‘dwarfism’ tinupad ng ‘Mission Possible’
MATUTUPAD na ang pangarap ng isang mapagmahal at determinadong nanay na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak matapos tugunan ng Mission Possible ang kanyang kahilingan sa Facebook.
Simula noong bata, madalas nang maapi ang single mother na si Michelle Ambrosio dahil sa kondisyon na “dwarfism” na siyang dahilan ng kanyang hindi pagtangkad.
Dahil hirap makakilos at limitado ang pisikal na kakayahan, hindi rin siya makakuha ng regular na trabaho, ngunit nagpursige para maalagaan ang kanyang anak at ang nanay niyang may edad na.
“Noong dumating si Alexa, nagbago ang direksyon ng buhay ko,” sabi ni Michelle. “May pa-ngarap ako para sa kanya na makatapos siya ng pag-aaral kaya nagpupursige akong maghanapbuhay.”
Ngunit nang lumalala ang kundisyon niya, mas nahirapan na siyang makahanap ng trabaho. Kaya naisipan niyang magbakasakali at humingi ng tulong sa Mission Possible sa FB page nito.
Sa episode ng programa noong May 11, ipinakita ang pagbisita ni Julius Babao sa mag-ina. Matapos pakinggan ang kwento nila, sinamahan ng Mission Possible team si Michelle sa check-up na noo’y hindi niya kayang bayaran.
Binigyan din siya ng mga bagong pagkakakitaan kabilang ang isang food cart. Sigurado na ring makakapagtapos ng kolehiyo si Alexa na ginawaran ng scholarship.
Ayon kay Michelle, mala-king tulong ang hinatid ng ABS-CBN sa pamamagitan ng programa dahil alam niyang magiging maayos ang anak niya sakali mang may mangyari sa kanya.
Ang Mission Possible ay isa sa mga programa ng ABS-CBN na direktang tumutulong sa mga Pilipinong na-ngangailangan. Panoorin ito tuwing Sabado ng 6 a.m.at tuwing Lunes ng 9:30 p.m. sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.