Lolita Carbon kay Coritha: Napakasakit na makita ko siyang ganyan
PARANG kinurot sa puso ang OPM icon na si Lolita Carbon nang makitang muli ang kapwa singer at kasabayan sa entertainment industry na si Coritha.
Hindi napigilan ni Lolita ang maging emosyonal sa muling pagkikita nila ni Corita o Socorro Avelino sa tunay na buhay, lalo na sa kundisyon nito ngayon.
Kasama ni Lolita na bumisita kay Coritha ang broadcast journalist at content creator na si Julius Babao sa bahay ng partner ng may karamdamang folk singer na si Chito Santos.
Personal na nasaksihan ni Lolita Carbon ang kalagayan ngayon ni Coritha na bedridden na at hindi na rin makapagsalita at makagalaw nang maayos.
Baka Bet Mo: Pokwang nasasaktan sa mga bashers na kapwa babae: Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi
“Masama sa pakiramdam ko na makita ko siyang ganiyan. Wala naman may gustong mangyari iyon sa kanya,” ang pahayag ni Lolita sa vlog ni Julius.
Makikita sa video na pilit kinikilala ni Coritha ang kaibigan at kapwa singer hanggang sa tila nais na niyang hawakan ang kamay ni Lolita.
Chika ni Lolita, halos lahat daw ng mga singer noong panahon nila ay talagang magkaka-close. Naaalala rin niya ang mga pinagsamahan nilang mga show ni Coritha.
View this post on Instagram
Sa katunayan, may ginawa pa silang ginawang collab noon ang, album na “Sampagita, Lolita and Coritha sings Freddie Aguilar’s hit songs.”
“Lahat naman ng mga musikero close iyan kapag nagkikita. Nagkikita sa gig, nagkikita sa events.
“Noong tumugtog siya sa Hobbit House, meron siyang Coritha and the Popsicle. Ako naman, Lolita and the Boys noong panahon na iyon. So, halos kung ano talaga ang trending,” pahayag pa ni Lolita.
Baka Bet Mo: Kris ibinuking si Angel: Nagbigay po siya ng P2M para sa mga nasalanta ng bagyo
In fairness, nu’ng malaman niya ang kundisyon ng kaibigan, kinontak niya agad ang mga kasamahan at kaibigan sa music industry para makapag-raise ng funds for Coritha.
“Noong nag-suggest nga si Monet Pura (organizer ng event) na mag-fund raising, sabi ko, ‘Hindi, ora mismo.’ Sabi kong ganoon, ‘Gawin natin August 5 ‘yung first event.’ Kasi, papatagalin pa ba natin iyan kung meron naman available na venue,” sey pa ni Lolita.
Ang naturang fundraising event na tinawag na “Awit Para Kay Coritha” sa Hive Hotel, with other OPM icons like Bayang Barrios, Cooky Chua, Joey Ayala, and Paul Galang.
Samantala, nagpasalamat naman ang partner ni Coritha na si Chito Santos sa lahat ng mga tumulong sa kanila.
“Marami (tumulong) hanggang Mindanao. Ang daming tumatawag sa akin hanggang ngayon. Ang daming tumatawag sa akin, minsan gabi, kahit gabi.
“Minsan construction worker sabi niya, ‘Chito, tutulong kami.’ Sabi ko ibigay niya na lang sa pamilya n’ya, hindi naman napaka…masyado ano iyon. Sa pamilya n’yo na lang. (Sagot niya) ‘Hindi. Bata pa kami, idol na namin iyan, e,” kuwento ni Chito na napaiyak din sa sobrang kaligayahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.