Pokwang nasasaktan sa mga bashers na kapwa babae: Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi | Bandera

Pokwang nasasaktan sa mga bashers na kapwa babae: Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi

Therese Arceo |May 19,2023
facebook
share this

Pokwang nasasaktan sa mga bashers na kapwa babae: Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi

Therese Arceo - May 19, 2023 - 10:16 PM

Pokwang nasasaktan sa mga bashers na kapwa babae: Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi
AMINADO ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang na naaapektuhan siya sa tuwing nakakatanggap siya ng pambabatikos mula sa mga netizens lalo na kung galing ito mula sa mga kapwa babae.

Ito ay may kinalaman sa kanyang hayagang pagsasabi ng kanyang disgusto sa dating partner na si Lee O’ Brian na siyang ama ng kanyang bunsong anak na si Malia.

Matatandaang ibinunyag noon ni Pokwang na never siyang binigyan ng financial support ni Lee buhat nang ipagbuntis niya ang anak nila at never niyang naramdama na totoo siyang minahal nito sa tagal ng kanilang pagsasama.

Kaya naman sa naging panayam ng Kapuso star kay Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay nakiusap itong hayaan na lang siyang maglabas ng saloobin laban sa dating partner.

Saad ni Pokwang, “Ang masasabi ko lang, wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Madaling sabihin, ‘Mag-move on ka na,’ ‘Bitter ka,’ kasi hindi kayo ngayon ang nakakaranas ng pain.

“At ipagdasal niyo na huwag mangyari sa inyo, sa mga kamag-anak niyo, sa best friend ninyo.”

Dalangin ni Pokwang na sana ay huwag pagdaanan ng mga taong nambabatikos sa kanya ang kanyang pinagdaanan.

“Walang sugat na malalim na takpan mo lang ng bandage, ‘no, ang sugat naghi-heal yan nang unti-unti.

Baka Bet Mo: Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

“Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi. Sumapi muna kayo sa akin nang maramdaman niyo.”

Dito nga ay naglabas ng hinanakit si Pokwang sa mga kapwa babae at magulang gaya niya na binabatikos siya sa social media.

“At ang masakit pa, kapwa ko babae, yung mga nanggaganyan sa akin, mga nanay. Nanay kayo, babae kayo, hindi niyo ako nagi-gets? Mas tanggap ko pa kung lalaki nangba-bash sa akin, e.

“Ako’y agrabyado pero, sabi ko nga nung bago pa lang kami, bina-bash siya sa social media. Bina-bash yan, kawawa yan, sobrang bina-bash, ‘Huwag mong lolokohin yang si Pokwang,’ ‘Pag yan niloko mo kami makakalaban mo,’ ‘Huwag mong gagamitin yan,’ ‘Huwag kang user’,” sey ni Pokwang.

“Panahon na bago kami. So, pinagtatanggol ko siya sa social media kasi sabi ko, ‘Let’s give him a chance, hindi naman siya ganyan.’ Now, ako yung nasaktan, ako yung naglabas ng hinanakit ko, ako pa masama ngayon? Ano to? San ako lulugar? Di ba? It’s so unfair,” dagdag pa niya.

Sey pa ng Kapuso star, kaysa raw pansinin nang pansinin ang kanyang nararamdaman ay magdasal na lang ang kanyang basherd na huwag mangyari sa kanila ang pinagdaraanan niya.

Lately nga ay muli na namang naging maingay ang pangalan ni Pokwang matapos nitong mag-react sa Mother’s Day greeting ng ama ng kanyang bunso at sinabing gusto lang nitong pag-usapan dahil may pino-promote na pelikula.

May pa-hanash rin ang komedyana sa mga magulang ng dati nitong partner na never man lang daw naalala o padalhan ng package ngunit ang ibang tao gaya ng kanyang supporters ay hindi nalilimutan ang kanyang anak.

Related Chika:
Pokwang sure na sure nang hindi makikipagbalikan kay Lee O’Brian: Bakit pa, hindi naman niya kami pinili!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending