Kris ibinuking si Angel: Nagbigay po siya ng P2M para sa mga nasalanta ng bagyo
ISANG malaking rebelasyon ang sinabi ng Queen of all Media tungkol sa kanyang kapwa artista na si Angel Locsin.
Base sa kumakalat na video sa social media ay inamin ni Kris ang naging pagtulong ni Angel Locsin sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking halaga para sa relief efforts ni VP Leni Robredo.
“Nag-donate po si Angel Locsin ng P2M kay Leni para po ipangtulong sa lahat po ng nasalanta,” pambubuking ni Kris sa kaibigan.
Base sa video na nakunan kahapon ay nasa Himamaylan City, Negros Occidental si Kris at nagpapamigay ng mga relief packs sa mga apektadong pamilya kasama ang kanyang fiance na si dating DILG Sec. Mel Senen Sarmiento at so VP Robredo.
LOOK: Vice President Leni Robredo and actress Kris Aquino joined hands in distributing relief items in Himamaylan City, Negros Occidental. (Contributed photos) | @GabrielLaluINQ pic.twitter.com/BWLvISkvVv
— Inquirer (@inquirerdotnet) December 21, 2021
Mukhang na-pressure naman si Kris nang malaman niya kung magkano ang donasyong ibinigay ng aktres.
“Kaya noong nalaman ko po ‘yun sinabi ko, kailangan higitan ko po ‘yung ginawa ni Angel,” sey ni Kris.
Matapos nga ang speech ni Kris ay kumalat ang mabuting balita kaya naman marami sa mga netizens ang labis na humanga sa aktres.
Marami rin sa madlang pipol ang nagpaabot ng papuri at pasasalamat kay Angel dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga nangangailangan.
“Isa ka talagang tunay na superhero, Angel! Isa kang tunay na Darna! Mabuhay ka,” comment ng isang netizen.
“Grabe si Angel hindi talaga napapagod tumulong, buong Pilipinas na tinulungan niya. God bless you more Angel Locsin,” saad naman ng isa pang netizen.
“Angel ka talaga. Salamat idol sa busilak mong puso! Ang Panginoon na bahala sayong kabutihan sa kapwa sana ganyang tulad mo mga artista handang magshare ng kanilang mga blessing !” sey pa ng isang netizen.
Hindi naman ito ang unang beses na nagbigay ng tulong si Angel Locsin sa mga kababayan natin. Mulapa noon ay aktibo na siyang tumulong maski sa anong kalamidad o sitwasyon na nangyayari sa bansa. Kahit nitong pandemya ay nanguna rin si Angel sa pagtulong sa gobyerno pati na rin sa mga frontliners.
Related Chika:
Kahit may sakit, Kris nakipag-sanib pwersa uli kay Angel para tumulong sa mga biktima ni Odette
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.