Kahit may sakit, Kris nakipag-sanib pwersa uli kay Angel para tumulong sa mga biktima ni Odette | Bandera

Kahit may sakit, Kris nakipag-sanib pwersa uli kay Angel para tumulong sa mga biktima ni Odette

Reggee Bonoan - December 19, 2021 - 03:40 PM

Angel Locsin, Mel Sarmiento at Kris Aquino

NASA puso na talaga ni Kris Aquino ang tumulong at wala siyang pinipiling tao na ilang beses na nating napatunayan kahit nga wala siya sa puwesto.

May iniindang karamdaman ngayon si Kris dahil muling bumagsak ang timbang niya sa 90 lbs kaya hindi pa sila makabalik ng Maynila kasama ang fiancé niyang si dating Interior Scretary Mel Senen Sarmiento mula sa Boracay kung saan sila nagbakasyon.

Pero imbes na makapag-relax ang dalawa habang nakabakasyon ay ang pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Odette ang inaasikaso ni Kris.

Sa Instagram video ni Kris na kinunan niya mula sa kanilang hotel room ay mapapanood ang malakas na ulan sa Boracay.

“Mel & I left Dec 9 with every intention of being back Dec 17. Ang tagal pinagplanuhan kung saan pupunta. Walang available in Bataan or Zambales. 

“We could be accommodated in Boracay (thank you @discoveryshoresboracay & @theauhanaboracay) pero problema namin ‘yung air travel because of my compromised immunity. Sadly, my weight had dropped below 90 lbs.

“Ayoko pong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik ng bagyong #odette.

“Hindi na po ako mag dedetalye pero nonstop ang communication ko sa mga kaibigan kung paano makakatulong. Maraming salamat sa @puregold_ph dahil natulungan akong magbigay sa kaibigan na may paraan para ipaabot ang aking pamaskong pagbahagi sa area nila sa Mindanao,” ani Kris.

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Maging ang magulang at pamangkin ni Mr. Mel ay biktima rin ng bagyong Odette. Binanggit din ni Kris ang iba pang kumpanya na tumulong sa kanila para makapag-abot ng ayuda sa mga biktima ni Odette.

“Salamat sa pagtulong sa min para mapa kumpleto ang necessities para sa mama at mga pamangkin ni Mel na walang kuryente, nasiraan ng generator, walang tubig at para magka signal umaakyat sa rooftop ng bahay nila.

“Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu. Kaya grabe ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat.

“Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may kalamidad at araw-araw kaming nag-uusap kung paano ba makakatulong. Kinukulit namin ni Alvin si Ina ni vp @lenirobredo.

“5 AM kanina magka-text kami ni VP Leni. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na, at mas marami nang magagawa.

“Hihingi na ko ng paumanhin. Marami po akong na order na @enjoyglobe GCash special na Kris cards (kagaya po nu’ng napagawa ko sa @shopeepay_ph)- naisip ko na ito yung perfect na pang regalo.
Uunahin ko po muna yung talagang MOST IN NEED. Bawi po ako sa inyo bago na lang ako mag birthday.

“God bless the (Philippine flag emoji) during yet another crisis. Sana ‘wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng mag bibirthday sa Dec 25,” pahayag pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending