Mga miyembro ng OPM may benefit show para kay Coritha

Mga miyembro ng OPM may benefit show para makatulong kay Coritha

Ervin Santiago - August 01, 2024 - 12:10 AM

Mga miyembro ng OPM may benefit show para makatulong kay Coritha

Coritha (Photo from Facebook/Pambansang Almusal, NET25

AGAD nakaisip ng paraan ang Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) upang matulungan ang OPM icon na si Coritha.

Inilantad ng broadcast journalist na si Julius Babao sa publiko ang kasalukuyang kundisyon ngayon ni Coritha o Socorro Avelino sa tunay na buhay sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Nakausap niya si Chito Santos, ang partner ni Coritha, at dito nga nalaman ng lahat na bedridden na ang OPM artist na nagpasikat sa mga classic hits na “Oras Na”, “Lolo Jose”, “Sierra Madre”, “Gising Na O Kuya Ko” at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain…

Hindi na rin nakapagsasalita ang veteran singer matapos na-stroke ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Isa raw sa mga dahilan kung bakit inatake sa puso si Coritha ay dahil sa nasunog nilang bahay sa Sacred Heart, Quezon City noong 2018 kung saan ni isang gamit ay wala siyang naisalba.

Kasunod nito, dinala ni Chito sa Tagaytay si Coritha at doon na nanirahan, “Ayos naman siya kaya lang hindi siya makapagsalita pero ‘yung pakiramdam niya matalas.”

“Diabetic kasi siya, eh. Tapos isang beses naiwan ko ang guyabano sa lamesa kinain niya ‘yung dalawang malaki. Noong madaling araw, para siyang latang-lata at dinala ko ospital.


“Noong makita ang CT scan marami na raw siyang atake na hindi lang napapansin,” pagbabahagi pa ng partner ni Coritha.

Matapos maospital ay inuwi ni Santos si Coritha. “Nag-normal naman, ‘yun lang hindi siya makapagsalita.”

Nakakaraos pa rin naman daw sila sa  araw-araw pero sinabi ni Chito na napakahirap ng kanilang sitwasyon ngayon.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos siniguro ang mabilis na aksyon sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake

Nang makarating nga sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit ang kalagayan ni Coritha ay agad silang nakipag-ugnayan sa pamilya ng kapwa singer para makatulong.

“We have been informed regarding the situation of OPM folk icon Coritha and we are in coordination with the people assisting Ma’am Coritha on how OPM can assist.

“We are also currently working on a fundraiser show happening this August for the benefit of Ma’am Coritha. More details coming soon,” ang nakasaad sa post ng OPM.

Sa Facebook page naman ng singer na si Cooky Chua makikita ang poster ng isasagawa nilang “Para Kay Coritha” benefit show sa August 5, 7 p.m. na magaganap sa isang hotel sa Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama ni Cooky sa fundraising show sina Bobby Mondejar, Chikoy Pura, Corky at Kiko, Totoo Sarioso, Mike Villegas, Bayang Barrios, at Lolita Carbon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending