Regine Velasquez proud sa BINI: They’re giving life to OPM

Regine Velasquez proud na proud sa BINI: They’re giving life to OPM

Therese Arceo - June 20, 2024 - 08:26 AM

Regine Velasquez proud na proud sa BINI: They’re giving life to OPM

NAGBIGAY ng payo ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa nation’s girl group na BINI para sa upcoming first solo concert nila na “BINIverse”.

Sa naging eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Martes, June 18, sinabi ng singer-actress na i-enjoy lang ng ng mga dalaga ang kanilang concert.

“Just enjoy it. When you’re doing a concert, hindi mo mahe-help ang sarili mo. You will really enjoy it, because your audience will just give you love,” pagbabahagi ni Regine.

Pagpapatuloy pa niya, “Biruin mo, ikaw ang purpose mo lang is to entertain […] Kung ano ‘yung energy na you’re putting out, ibabalik nila ‘yun sa’yo, ten-fold.”

Baka Bet Mo: Regine Velasquez aminadong hindi bet maging music teacher, bakit kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pinuri rin ni Regine ang BINI sa kanilang ambag para magbigay buhay sa Original Pinoy Music (OPM) hindi lang sa Pilipinas kundo pati na rin sa iba pang bansa.

“Natutuwa ako kasi, they’re giving life to OPM. Kumbaga, hindi lang sa sarili nila, sa career nila. They’re actually bringing life to our music. Tapos, ipinapakilala nila pa sa buong mundo ‘yung music natin,” saad ni Regine.

Ang BINI ay mula sa salitang “Binibini” na binubuo nina Jhoana, Sheena, Gwen, Maloi, Aiah, Stacey, Colet, at Mikha.

Gaganapin ang kanilang 3-day concert ng grupo mula June 28 hanggang June 30 sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending