Geneva nang alukin ng GMA bilang kontrabida: Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan…
Geneva Cruz at Jo Berry
TINANGGAP ng singer-actress na si Geneva Cruz ang hamon ng GMA 7 na subukan muli ang pag-arte sa harap ng mga camera.
Kaya naman sa pagpasok pa lang ng 2022 ay bumabandera na si Geneva sa pagiging kontrabida sa bagong Kapuso afternoon drama na “Little Princess” na pinagbibidahan ni Jo Berry.
Ilang taon na ring hindi umaarte sa telebisyon at pelikula ang dating miyembro ng OPM group na Smokey Mountain dahil mas nag-focus siya sa singing career.
Kuwento ng OPM artist, nakumbinsi siya ng kanyang mga pinsan na sina Sunshine at Donna Cruz, pati na ni Rodjun Cruz na kasama rin niya sa “Little Princess” bilang leading man ni Jo Berry.
Nakachikahan muli ng members ng entertainment media si Geneva sa ginanap na virtual mediacon para sa “Little Princess” nitong nagdaang Jan. 5.
“Nu’ng sinabi sa akin ng aking mahal na assistant na may leading daw ako for a new show ng GMA na Little Princess, sabi ko talaga ko, ‘Ako, aarte ulit?’
“Kasi six years akong nawala and in the past kasi I chose to perform and sing kaysa umarte. ‘Yung pagmamahal ko kasi sa singing ay nasa pag-perform.
“Pero ang buhay ngayong pandemic, mahirap lalo na sa mga performers like me dahil wala namang mga live performances, ‘di ba, unless it’s online.
“So I realized din na sa tulong din ng mga pinsan ko like Sunshine and Donna, and si Rodjun, sinabi nila sa sa akin na it would be best na bigyan ko ng chance ‘yung pag-arte ulit,” kuwento ng singer-actress.
Challenging ang role ni Geneva sa nasabing serye bilang main kontrabida na si Odessa Montivano. Siya ang magpapahirap sa buhay ng bidang si Princess, na gagampanan nga ni Jo Berry.
Inamin ng aktres na talagang nahirapan at nangapa siya sa muling pag-arte, “Sabi nga ng PA ko, ‘Gen, bagay na bagay daw talaga sa ‘yo ‘yung role mo e, ikaw daw talaga.’ Sabi ko, ‘ano bang role ko?’ Sagot niya, ‘Ah, villain ka, kontrabida.’ Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan.’
“I guess in a way, people see me as this very strong woman. Yes, it’s true, I’ve been through hell and back but Odessa Montivano is different from the real Geneva Cruz.
“Geneva Cruz is just a dork, I am nerd in real life. Feeling ko komedyante ako.
“I mean, you can ask ‘yung mga kasama ko dito, I’m so different from what you see online and on TV, so nahirapan talaga ako so I was really got challenged,” lahad pa ni Geneva.
Nagpasalamat din siya sa mga co-stars niya sa programa lalo na kay Angelika dela Cruz at sa mga direktor nilang sina L.A. Madridejos at Don Michael Perez.
“Angelika, one of the best actresses that we have in this country, she helps me a lot and all of the directors, Direk LA, si Direk Don.
“Sinabi ko talaga sa kanila, please tell me kung anong kulang kasi talagang nag-struggle ako nang konti, na-stress ako.
“I love yoga, talagang I always try to find my center, It was difficult but, at the end of the day, I learned so much and Odessa may be evil but she is just a woman in love who is fighting for her husband, fighting for her right as a wife, and number one, she lost her child with the man she loves,” paliwanag ng aktres.
Nagpasalamat din siya sa GMA dahil sa chance na ibinigay sa kanya, “It was a blessing and I’m grateful to GMA-7. Last year was really bitter sweet, I lost my mother from Covid. It was really difficult. Mom was a lover of teleseryes.
“I’ve never finished a teleserye in my life so nangapa talaga ako but I enjoyed it and thank you so much GMA 7 for this opportunity,” sey pa niya.
Napapanood ang “Little Princess” sa GMA Afternoon Prime, mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m.. Kasama rin dito sina Juancho Trivino, Lander Vera-Perez, Jestoni Alarcon at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/295691/jo-berry-nagluluksa-pa-rin-sa-pagpanaw-ng-3-mahal-sa-buhay-2-bubble-gang-babes-susugod-sa-tbats
https://bandera.inquirer.net/281941/nanay-kapatid-ni-geneva-tinamaan-din-ng-covid-pamilya-humiling-ng-dasal-at-tulong-pinansyal
https://bandera.inquirer.net/302282/jo-berry-nagtatrabaho-habang-nagluluksa-kahit-masakit-yung-pinagdaraanan-kailangang-kayanin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.