Shaina nag-quarantine matapos tamaan ng COVID-19

Shaina nag-quarantine matapos tamaan ng COVID-19, nagpasalamat pa sa virus

Ervin Santiago |February 01,2024
facebook
share this

Shaina nag-quarantine matapos tamaan ng COVID-19, nagpasalamat pa sa virus

Ervin Santiago - February 01, 2024 - 12:50 AM

Shaina nag-quarantine matapos tamaan ng COVID-19, nagpasalamat pa sa virus

Shaina Magdayao

MARAMING natutunan at nagawang makabuluhang bagay ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao kahit na naka-quarantine siya.

Tinamaan ng COVID-19 ang dalaga nitong nagdaang January kaya kinailangan muna niyang ma-isolate bago sumabak uli sa trabaho.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Shaina ang naging takbo ng buhay niya habang naka-quarantine matapod ngang mag-positive sa COVID.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


Nag-post ang sisteraka ni Vina Morales sa IG ng kanyang mga litrato at video clips ng mga ginawa niya sa loob ng ilang araw na self-isolation.

Baka Bet Mo: Kilalang female celeb ilang beses nang nag-positive sa COVID-19, hanggang ngayon naka-quarantine

Ilan sa mga photos na ibinahagi ng premyadong aktres ay ang kanyang coffee break sa isang veranda, ang kanyang workout routines, at ang pag-eenjoy sa magandang tanawin sa paligid.

“Beautiful words I kept on reading and reminding my frustrated sick self during more than a week of isolation and testing positive,” ang bahagi ng caption ni Shaina sa kanyang Instagram post.

Aniya, kahit paano raw ay nagkaroon siya ng chance na pagtuunan muna ang kanyang sarili at makapagpahinga na rin mula sa tuloy-tuloy na pagtatrabaho.

“Nevertheless, thank you, COVID, for the rest (lots of tv time too) and pause I did not ask for..but apparently needed (white heart and star emojis),” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


Nag-share rin si Shaina ng quote mula sa author na si RM Drake tungkol sa pagkakaroon ng sapat na panahon para sa sarili.

“Clarity. Distance. Some time to yourself. This is the kind of peace we all need sometimes.

Baka Bet Mo: Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa ‘paraiso’, kailangang magtrabaho kahit birthday

“The kind that will give you the courage to clear your heart. Your mind. Your soul. Trust YOUR process. With isolation, everything you feel will sort itself out. I promise. -r.m drake,” ang dagdag na post ni Shaina.

Maraming netizens ang nagkomento sa IG post ni Shaina kabilang na ang kanyang mga kapwa celebrities.

Mensahe ni Jhong Hilario, “Feel better Sis… (praying hands and heart emojis).”

Sabi ni Alyana Asistio, “Miss you ate @shaina_magdayao.”

Nauna rito, nag-post nga si Shaina ng video ng kanyang antigen test, kung saan nagpositibo nga siya sa COVID kaya kinailangan niyang mag-quarantine.

“First challenge of 2024, conquered. Home arrest no more,” sey ni Shaina sa caption.

Comment ng kaibigan niyang si China Cojuangco, “Bali inspired covid ba yan?! Hahaha! Glad you’re freed from this nightmare.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang sa Bali, Indonesia nagdiwang ng Bagong Taon ang aktres kasama ang kanyang pamilya at ilang kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending