Arnell Ignacio itinalagang OWWA administrator ni PBBM, pero naka-quarantine ngayon matapos tamaan ng COVID-19
TULAD ng inaasahan ng marami, ang TV host-comedian na si Arnell Ignacio ang itinalagang bagong administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Migrant Workers.
Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pumili kay Arnell bilang OWWA administrator effective August 1, 2022.
Bago ibinigay sa kanya ni PBBM ang nasabing goverment position ay hinawakan na niya ang pwesto bilang Deputy Executive Director V ng OWWA noong 2018. Si former President Rodrigo Duterte naman ang nag-appoint sa kanya sa nasabing posisyon.
Todo naman ang pagpapasalamat ng TV host sa bagong Pangulo at sa lahat ng mga bumati at natuwa sa pagkakatalaga sa kanya bilang admin ng OWWA kasabay ng panawagan na sana’y suportahan siya ng sambayanang Filipino lalo na ng mga bayani nating OFW.
Tulad ng palaging sinasabi ng aktor, kahit na may hahawakang pwesto sa pamahalaan, hindi pa rin niya kalilimutan ang showbiz at patuloy pa ring mag-aartista kapag may mga offer.
Napag-alaman namin na ngayong araw sana magsisimula ang shooting ng komedyate para sa isang pelikula ng Viva Films ngunit hindi siya natuloy dito.
Ayon sa isang report, tinamaan daw ng COVID-19 si Arnell kaya agad siyang nag-self isolate at kasalukuyan nang nagpapagaling. Ngunit kahit naka-quarantine ay tuloy pa rin daw ang pagtratrabaho niya sa OWWA.
https://bandera.inquirer.net/312899/stranded-kakampinks-tinulungan-ni-arnell-o-di-ba-ang-ganda-naming-tingnan-this-is-the-way-to-do-it
https://bandera.inquirer.net/312360/arnell-ignacio-binanatan-si-kim-chiu-get-a-spokesperson-for-youself
https://bandera.inquirer.net/312141/vice-ganda-nilektyuran-ni-arnell-ignacio-tungkol-sa-prangkisa-ng-abs-cbn
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.