Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa | Bandera

Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

Reggee Bonoan |July 05,2023
facebook
share this

Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

Reggee Bonoan - July 05, 2023 - 04:11 PM

Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

MATINDI pala ang galit ng sikat na female celeb sa equally sikat ding aktres at ayaw na ayaw niyang naririnig ang pangalan nito.

“Trauma kay ____ (sikat na aktres) pag naririnig niya ang name ni ____ (equally sikat na aktres) sa news lalo na kapag may mediacon, pumipikit siya at tahimik lang.

“Gets na ito ng mga friends niya kaya magkukuwentuhan na lang sila ng masasayang topic plus magpaplano ng next trip with friends.

“In fairness mabait naman si ____ (sikat na aktres) at ngingiti na siya pag alam niyang gets na iyon ng friends niya at tuloy na ulit ang kuwentuhan pero ramdam mong naiirita siya,” ang kuwento ng source namin tungkol sa sikat na aktres.

Ang dahilan pala ay nalaman niyang ang mismong equally sikat na aktres ang nagparamdam sa boyfriend niya kaya nagkaroon ng pagsasama ng isa o dalawang gabi.

“Hindi mo ba alam? Natutulog ka sa pansitan?” panunukso pa sa amin.

Baka Bet Mo: Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Tuloy ng aming source, “May event kasi no’n, e, aminado naman si ____ (equally sikat na aktres) type niya si ____ (boyfriend ng sikat na aktres) kaya nang magkita sila sa event nagkaroon ng batian at alam mo ‘yung mata-mata ang nag-uusap? Tapos nagkasenyasan na.”

Malinis naman daw ang naging takbo ng “usapan” ng equally sikat na atres at ng boyfriend ng sikat na aktres na no strings attached pero dahil ang una ay nakainom, nadulas sa kaibigan hanggang sa nakarating na sa kampo ng sikat na aktres at hayun, buminggo ang boyfriend!

Nataranta ang lahat dahil parehong sikat na aktres ang involved bagay na iniingatan ang kanilang mga imahe dahil maraming advertisements at baka mawala o magbayad pa sila.

In fairness mahusay magdala ng isyu ang dalawang sikat na female celeb, tahimik sila at dedma na pinagsabihan din ng kanilang mga managers.

Binalikan namin ng tanong ang aming source kung kumusta na si sikat na aktres at boyfriend nito.

“Okay naman sila, kaya lang si ____ (sikat na aktres) parang may trauma pa kahit mega-sorry na si ____ (boyfriend). May trust issue na, eh,” kaswal na kuwento ng aming source.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay naalala namin dati years ago si equally sikat na aktres na napansin naming iba makatingin sa boys akala namin natural niya ‘yun na parang nang-aakit, sadya pala. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Male celeb lumayas na sa Pinas matapos mawalan ng raket sa showbiz

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending