‘Ramadan’ nag-umpisa na ngayong March 23 | Bandera

‘Ramadan’ nag-umpisa na ngayong March 23

Pauline del Rosario - March 23, 2023 - 09:15 AM

‘Ramadan’ nag-umpisa na ngayong March 23

INQUIRER file photo

UMPISA na ngayong March 23 ang Ramadan!

Para sa kaalaman ng marami, ang Ramadan ay ang holy month ng fasting o pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim.

Ito ay ang kanilang taunang paggugunita sa unang rebelasyon sa propetang si Muhammad, ang nagtatag ng Islam.

Bukod diyan, isa rin ito sa mga pundasyon ng nasabing relihiyon na nakasulat sa kanilang banal na aklat, ang “Quran.”

Ang pagsisimula ng Ramadan ay inanunsyo matapos magsagawa ng moonsighting ang Bangsamoro Darul Ifta.

Sey sa opisyal na pahayag na ibinandera sa Facebook, “The Bangsamoro Darul-Ifta’ headed by Bangsamoro Mufti Abuhuraira A. Udasan, assigned groups to perform moonsighting this evening, Tuesday, 29 Sha’ban 1444 H. Corresponding to 21st of March 2023.”

Baka Bet Mo: 5-taong gulang na Bangsamoro mula sa Maguindanao na-memorize ang buong Qur-an; umiiyak daw habang nagbabasa

Patuloy pa, “They (the said groups) have performed what they were assigned to do, and then finally, the result of the moonsighting is that the moon crescent has not been sighted.”

“Based on this, the Bangsamoro Darul Ifta’ has decided that the beginning of Ramadan will be on Thursday 23rd of March, 2023 In sha Allah,” ani sa statement.

Ang Ramadan ang pinaka sagradong panahon ng mga Muslim.

Sa loob ng 30 na araw ay hindi sila kakain o iinom ng tubig mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw.

Ilalaan nila ang mga oras na ‘yan upang lalong magdasal, magnilay-nilay at pag-aralan ang Quran.

Samantala, nilinaw naman ng Presidential Communications Office na ang “holiday” ay idedeklara lamang sa April 20, ang araw ng pagtatapos ng Ramadan.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Batang Quiapo’ ni Coco inireklamo ng mga street vendor, apektado na raw ang kanilang mga negosyo

Robin na-bad trip sa direktor na um-attend sa senate hearing: ‘Pumapalakpak ka, bawal dito… kanina pa ako kumakalma sa inyo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending