‘Batang Quiapo’ ni Coco inireklamo ng mga street vendor, apektado na raw ang kanilang mga negosyo
MATAPOS mag-isyu ng official statement ang pamunuan ng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sa reklamo ng mga kapatid nating Muslim sa isang eksena sa serye ay nagpaliwanag din si Coco Martin hinggil sa isyu.
Humingi sila ng dispensa dahil sa eksenang kinandili ng gumanap na Muslim sa kuwento na si Rez Cortez ang magnanakaw na si Ramon (Coco) na hindi nga nagustuhan ng mga kapatid nating Muslim kahit fiction lamang ito.
Humingi ng paumanhin at nagpaliwanag din si Coco kasama ang ABS-CBN Chief Operating Officer na si Ms. Cory Vidanes kay Sen. Robin Padilla tungkol dito at umaming kulang ang kaalaman ng aktor, direktor at producer tungkol dito.
Umere ang eksena sa ikalawang araw ng pagpapalabas ng “FPJ’s Batang Quiapo” noong Martes, Pebrero 14.
Hindi pa halos umaabot sa isang linggo ang programa ni Coco ay may panibagong isyu na naman siyang haharapin, ang mga nagtitinda sa Quiapo mismo kung saan nagsu-shoot ang “Batang Quiapo.”
Base sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Ate Mrena at Tita Jegs ay nabanggit nilang umaalma ang mga tindero’t tindera dahil wala na raw halos silang kinikita.
Patanong ni Mama Loi, “Love pa rin kaya ng mga tindera sa Quiapo at Divisoria itong si Coco Martin?”
Mabilis na tanong ni Ogie, “Bakit naman?”
Ipinakita sa video ang shooting, “Nakakaapekto na raw ito sa daily sales nila ‘yung madalas na pagsu-shoot ng Batang Quiapo sa lugar nila,” kuwento ni Mama Loi.
Say naman ni Ogie na dapat ay tumataas ang sales ng mga nagtitinda kasi nga may shooting?
“Nakakaapekto, as in bumaba (minuwestra) ang kanilang benta, tama? Dahil laging nandoon ‘yung shooting ang ending nanonood na lang ‘yung mga tao o hindi pinadadaan ang mga tao o umiiwas na do’n sa kanilang mga puwesto?” pahayag ni Ogie na sinang-ayunan ni Mama Loi.
Ipinakita ang post noong Pebrero 15 ng netizen na si Abe Elaine Canezo na may 4,000 followers sa Facebook na tinatanong niya kung hanggang kailan ipalalabas ang “Batang Quiapo.”
Ipinost nito ang larawan ng shooting at ang caption, “Dear FPJ, Batang Quiapo! kung mag shooting kayo ‘wag naman araw-araw bumababa sales namin pag nanjan kayo eh haystttt Coco hanggang kelan nanaman kaya tong palabas mo.”
Umabot sa 1,800 ang nag-like at natawa, 849 shares at 250 komento.
Sagot ng netizen na si @Khaypee Chua, “8 years and 3 nights with 5 years retake. Thank me later.”
Biro naman ni @Erwin Cercado Antonio, “Talagang mababawasan sales niyo pati ba naman c Ma’am Charo (Santos-Concio) nagtinda narin ng sambong at pamparegla tapos kandila naman kay Lou Veloso haha yaan niyo mataatpos din ‘yan sa loob ng 5 araw at 2 dekada.”
Gayun din sagot ni @Queenie Sy, “Jiro Santa Ana Raymundo saglit lang yan mga 10 years HAHAHAHA.”
Say ni @Jiro Santa Ana Raymundom “@Queenie Sy dalawang termino ulit ng presidente bago matapos hahaha.”
Paniniwala naman ni @BinMalik RH Ai, “Si Coco lang kumikita ng million pero ‘yung mga na abala n’yang naghahanapbuhay para sa pamilya ganon pa din di na naawa sa mahihirap ! Anong silbe na palabas n’yo kung maraming naabalang business.”
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ng kampo ni Coco Martin at ng ABS-CBN.
Related chika:
Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.