5-taong gulang na Bangsamoro mula sa Maguindanao na-memorize ang buong Qur-an; umiiyak daw habang nagbabasa | Bandera

5-taong gulang na Bangsamoro mula sa Maguindanao na-memorize ang buong Qur-an; umiiyak daw habang nagbabasa

Ervin Santiago - August 14, 2022 - 08:57 AM

Al-Hafidh Mohammad Abdulmohaimen Campong at Robin Padilla

WALANG duda, isang “gifted child” ang 5-taong gulang na batang Bangsamoro na balitang nakapag-memorize raw ng buong laman ng Qur’an.

Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla sa kanyang official Facebook account ang balita tungkol sa batang nagngangalang Al-Hafidh Mohammad Abdulmohaimen Campong, na tubong-Maguindanaon.

Base sa ulat ng Bangsamoro Media Productions, si Al-Hafidh Mohammad Abdulmohaimen Campong ay isang estudyante sa Dar Subahtil Khayr Memorization Center, Cairo, Egypt.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ng ama ni Al-Hafidh na si Sheikh Abdulmohaimen Abdulrahman Campong, na isang faculty member sa Al-Azhar University sa Cairo, na naisaulo ng ng kanyang anak ang Qur’an.

“Ako po ang nagpa-memorized sa kanya simula pa noong maliit pa siya sa sinapupunan ng kanyang nanay (ibig kong sabihin nong ipinagbubuntis palang siya ng kanyang nanay, noong umabot na na siya ng six months sa loob ng tiyan nagsimula na akong basahan ng qur’an ang tiyan ng kanyang nanay during every before sleeping hanggang sa siya ay ipinanganak) at nagpatuloy na ‘yun na exercises ko,” simulang pahayag ng tatay ni Al-Hafidh.

Patuloy pa niya, “Hanggang sa lumaki na siya, hindi na siya nakakatulog kung hindi siya nakakarinig ng nagbabasa ng Qur’an.

“Hanggang sa isang araw nagtaka ako, 3 taon pa lang siya noon na-memorised na niya ang Suwratul Baqarah at A’l Imraan, at ipinagpatuloy ko lang ang pagsisikap na maturuan at mapasukan ng Qur’an ang kanyang puso upang magustuhan niya itong gawin,(ang pagbabasa ng Qur’an).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


“At napansin ko na hanggang sa nasaulo na niya at minsan ay umiiyak siya habang nagbabasa ng Qur-an, noong tinanong ko siya bakit siya umiiyak, hindi daw niya maipaliwang, ang alam lang niya masaya at masarap ang pakiramdam niya habang nagbabasa ng Qur’an,” lahad pa ng ama.

Marami namang bumati kay Al-Hafidh kabilang ba ang Philippine Students Association sa Cairo, ang Kutawato Students League sa Cairo, at mga kapwa nito Bangsamoro sa Pilipinas.

https://bandera.inquirer.net/309440/juday-inalala-ang-pagiging-child-star-lahat-ng-mga-batang-impakta-nagawa-ko-na-pero-masaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280320/cassy-9-years-old-pa-lang-biktima-na-ng-pambu-bully-i-even-get-death-threats
https://bandera.inquirer.net/287887/mga-batang-may-edad-5-taong-gulang-pataas-pinayagan-nang-makalabas-ng-bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending