Melai naloka kay Stela: ‘Naiinggit ako sa ibang mama!’

Melai naloka kay Stela: ‘Naiinggit ako sa ibang mama dahil maganda sila!’

Pauline del Rosario |March 14,2024
facebook
share this

Melai naloka kay Stela: ‘Naiinggit ako sa ibang mama dahil maganda sila!’

Pauline del Rosario - March 14, 2024 - 05:37 PM

Melai naloka kay Stela: ‘Naiinggit ako sa ibang mama dahil maganda sila!’

PHOTO: Screengrab from Facebook/MELASON

LAUGHTRIP pero nakakaloka ang latest social media post ng comedienne-actress na si Melai Cantiveros.

Ito ‘yung Facebook video ni Melai na ipinapaliwanag sa madlang pipol kung bakit umiiyak ang bunso niyang anak na si Stela.

Caption ng post, “Na-guilty si Stela dahil sa feelings niya….[laughing face emojis]”

Mapapanood sa video na nakahiga ang mag-ina sa kama, pati na rin ang mister niya na si Jason Francisco.

Kwento ni Melai, “Guys, ito na nga, kasi kami nakahiga, nag-uusap kami ni Jason about sa life. Tapos biglang sabi ni Stela, ‘Mama, nag-cry ako. Kasi may naisip akong masama.’ Sabi ko, ‘Ano ‘yung naisip mong masama?’”

Baka Bet Mo: Melai, Jason super proud sa pagiging viral stars ng 2 anak, gusto pa bang magka-baby uli?

Ang sabi raw sa kanya ni Stela, “Mama nainggit ako.”

Nagtaka naman daw ang komedyana kung ano ang kinaiinggitan ng anak kaya tinanong niya ito.

“Sige ano ‘yung inggit na naramdaman mo, i-share mo sa amin,” sey ng aktres.

Chika ni Melai, bago pa magkwento si Stela sa kanya ay nagsabi muna ito na huwag magalit sa sasabihin niya.

“Mama! Naiinggit ako sa ibang mama dahil maganda sila!” ito raw ang sinabi ni Stela kay Melai.

Natatawa naman ang aktres habang shine-share ang sinabi sa kanya ng anak at pagkatapos niyan ay sumingit si Jason at pabirong sinabing, “Ayaw niya rin magsinungaling. Kasi ang tingin niya talaga sayo ay hindi maganda.”

“Namana kasi siya sa akin, kaya siya nainggit,” sambit naman ni Melai habang tumatawa.

Hirit naman ni Jason sa kanyang anak, “Bakit may nagkagusto sa mama mo?”

Dagdag pa ng komedyana, “[Katulad ni] papa mo ‘diba, kung hindi ako maganda.”

Kasunod niyan ay nagtanong si Jason kay Stela, “Bakit mo naisip ‘yun sa mama mo? Ano ang pumasok sa isip mo?”

Ang sagot naman ni Stela, dahil daw ito sa picture na ipinost ni Melai na ipinapakita ang ibang nanay na magaganda.

Sagot naman sa kanya ni Jason, “May mga bagay sa mundo, anak, na hindi dapat ipinapaliwanag. So ‘yung sa mama mo, ‘yan ‘yung case sa mama mo.”

Baka Bet Mo: Chito Miranda umamin na, nainggit kina Ely Buendia at Rico Blanco

Dalawang araw pa lang mula nang ma-upload ang post ni Melai at as of this writing ay umaani na ito ng mahigit 3 million views.

Bukod sa marami ang tawang-tawa, nagbigay din ng mensahe ang ilang netizens para kay Stela.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Super kong tawa [laughing emoji] Stella, ‘wag ka mainggit. Your mama is so beautiful and made a lot of people laugh and that alone is wonderful! [red heart emoji].”

“Hi baby girl. One day you’ll realize how lucky you are to have Madam Melai as a mom. She is beautiful in and out. I’m sure na hindi lang ako ang nakaka-appreciate sa beauty and wit niya.”

“Natural ang beauty ni Melai…ang importante mabait ka Melai at may takot sa Panginoon.”

“Don’t worry Stella, soon you will realize that your Mom is an amazing woman [happy face with heart eyes emoji] beauty is in the eye of the beholder [smiling face with hearts emoji].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hahahaha..natawa ako talaga sa inyo so very funny [laughing emojis] at her age nakakaisip siya ng ganyan [laughing emojis].”

“Nakakatawa naman ang mag-anak na ito talaga ako ay isa sa umiidolo kay Melai kasi totoong tao siya at maganda ang kalooban,, kaya Stela ‘wag ka na umiyak kasi maganda si mama mo in and out.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending