Michael V naholdap nang mag-Holy Week sa ibang lugar: 'Kaya maigi rin namang mag-stay na lang sa bahay' | Bandera

Michael V naholdap nang mag-Holy Week sa ibang lugar: ‘Kaya maigi rin namang mag-stay na lang sa bahay’

Ervin Santiago |March 29,2023
facebook
share this

Michael V naholdap nang mag-Holy Week sa ibang lugar: ‘Kaya maigi rin namang mag-stay na lang sa bahay’

Ervin Santiago - March 29, 2023 - 06:25 AM

Michael V naholdap nang mag-Holy Week sa ibang lugar: 'Kaya maigi rin namang mag-stay na lang sa bahay'

Michael V

KUNG ang karamihan sa mga celebrities ay nagtutungo at nagbabakasyon sa iba’t ibang bansa kapag Holy Week, iba naman ang trip ng Comedy Genius na si Michael V.

Maraming mga artista na nagpupunta sa mga beach at naglalamiyerda abrod sa tuwing sumasapit ang Semana Santa dahil mahaba-habang bakasyon nga ito pagkatapos ng tuluy-tuloy na pagtatrabaho

Ngunit para nga kay Bitoy at sa asawa niyang si Carol Bunagan na isang producer, mas gusto na lang daw nilang mag-stay sa bahay o.sa kanilang rest house ngayong darating na Holy Week.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Ito’y dahil daw sa hindi magandang karanasan na nangyari sa kanila noon habang nasa ibang lugar kung saan sila nagbakasyon para sa paggunita ng Semana Santa.

Baka Bet Mo: Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto

“Hindi siya…uneventful e, ‘yung mga Holy Week namin. Siya (Bitoy) naholdap. Ako naman (hindi nabanggit)…may mga ganu’n e, so play it safe na lang,” ang pahayag ni Carol sa panayam ng “24 Oras” nitong Lunes.

Ayon sa Kapuso comedian at TV host, ang plano nilang mag-asawa ay manatili na lang sila sa kanilang rest house sa Batangas ngayong Holy Week.

“Wala namang mawawala. Maigi rin namang mag-stay sa bahay lang, di ba?” katwiran ni Bitoy.

Matatandaang noong mag-celebrate sila ng kanilang 25th wedding anniversary noong Pebrero ay nagpunta sina Bitoy at Carol sa Penang, Malaysia kung saan binisita nila ang sikat na Langur Way Canopy Walk.

Ion inalala ang ‘paghihiwa’, paghampas sa likod tuwing Holy Week; Vhong gustong ulitin ang panatang ‘penitensya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lucky contestant sa ‘Wowowin’ hindi agad naniwala kay Bitoy, biglang binabaan ng phone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending