Rumored dyowa ni Joshua Garcia walang balak mag-showbiz: 'Ayaw niya, masyadong magulo ang industriya natin' | Bandera

Rumored dyowa ni Joshua Garcia walang balak mag-showbiz: ‘Ayaw niya, masyadong magulo ang industriya natin’

Ervin Santiago |September 25,2023
facebook
share this

Rumored dyowa ni Joshua Garcia walang balak mag-showbiz: ‘Ayaw niya, masyadong magulo ang industriya natin’

Ervin Santiago - September 25, 2023 - 07:35 AM

Rumored dyowa ni Joshua Garcia walang balak mag-showbiz: 'Ayaw niya, masyadong magulo ang industriya natin'

Emilienne Vigier at Joshua Garcia

WALANG balak ang rumored girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier na pasukin ang magulo ngunit makulay na mundo ng entertainment industry.

Hindi na kailangan pang umamin nang diretsahan ng Kapamilya actor kung magdyowa na nga ba sila ng French-Filipino athlete dahil base sa naging panayam sa kanya ng showbiz press, mukhang matagal nang may namamagitan sa kanila.

Sa pakikipagchikahan namin kay Joshua at ng ilan pang members ng media sa ginanap na presscon ng bago niyang pelikulang “Fruitcake”, wala siyang iko-confirm at wala rin siyang idedenay tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Emilienne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


So, ang ibig bang sabihin nito, magdyowa na talaga sila pero mas gusto nilang gawing pribado ang kanilang relasyon?

“Like I said, wala akong sasabihin kahit ano. And that’s me and her decision. Para peaceful lang din.

“I mean, what you see is what you get talaga, di ba? Lalo ngayon, lahat nasa social media na.

“Kung makita nila yun, di ba? Hindi mo na kailangan i-elaborate pa kung ano yung mangyayari,” paliwanag ni Joshua.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba?

Sundot na tanong kay Joshua, wala ba silang balak na gawing official ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng social media, “Ano yun? Kinasal na ba ako?

“Wala namang ganu’n, e. Walang announcement. Kahit nga kapag ikinasal ka, mas okay na huwag mo nang i-announce, e.

“Ako, importante lang sa akin ngayon, sa panahon ngayon, yung privacy. Yun yung importante para sa akin. Yun na lang yung ititira ko sa sarili ko lalo na sa trabaho ko sa industriya na ito,” paliwanag pa ng aktor.

At sa tanong kung may plano rin ba si Emilienne na pasukin ang showbiz, “Ayaw niya. Masyadong magulo yung industriya natin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May humirit naman kung ayaw din ba niyang mag-artista si Emilienne, “Alam mo ako, hindi ko kino-control yung taong karelasyon ko. Ako yung tipong susuportahan ka hanggang dulo. Kung ano yung gusto mo sa buhay.

“Ganu’n naman yun, e. May goal ka, may goal siya, and then, kung may goal kayo together, mas maganda yun,” pahayag ni Joshua.

Sa huli, nakiusap si Joshua na huwag na siyang tanungin tungkol sa kanyang lovelife dahil hangga’t maaari talaga ay ayaw niya itong pag-usapan in public dahil hindi naman daw taga-showbiz ang taong tinutukoy niya.

Sey ng binata, wala siyang itinatanggi at pareho nilang desisyon ni Emilienne na gawing pribado kung anuman ang totoong namamagitan sa kanila.

“Hindi ko siya dine-deny. It’s just that ako and her decided not to share it with everyone kasi ‘yung relationship na ‘yan, eh kami lang naman ‘yung parte du’n, eh.

“Galing na kasi ako sa iba’t ibang klase ng relationship and everytime na sine-share ko siya sa lahat, parang nagkakagulo, nagiging shaky ‘yung relatiohship, eh,” depensa pa ni Joshua.

Dugtong pa niya, mas pahahalagagan niya muna ang kanyang privacy at ng taong pinakamamahal niya ngayon. Less talk nga naman, ay less mistake at less intriga at tsismis.

“Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” aniya pa.

Mel Tiangco ilang beses nang inalok na pasukin ang politika pero laging tumatanggi: ‘It’s very, very magulo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending