Mel Tiangco ilang beses nang inalok na pasukin ang politika pero laging tumatanggi: ‘It’s very, very magulo!’
MARAMI na palang nag-alok at nangumbinsi sa veteran broadcast journalist na si Mel Tiangco na sumabak na rin sa mundo ng politika.
Pero talagang matigas ang paninindigan ng Kapuso news anchor na hinding-hindi siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
Mismong ang anak ni Tita Mel na si Wency Cornejo ang nagkuwento sa amin na ilang beses nang inalok ang kanyang nanay na tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan pero palagi niya itong tinatanggihan.
“My mom has been offered a lot. Talagang lapitin kumbaga or something like that, but she does not want to get involved in politics,” rebelasyon ni Wency nang makachihakan namin at ng ilang piling miyembro ng press sa mediacon ng Valentine concert na “All Heart ”
“It’s very, very magulo, e, she says. Especially at her age, she doesn’t want to get stressed out.
“And kahit kami as her children, ayaw din namin ma-stress nanay namin. At her age, she needs to be resting and just enjoying the fruits of her labor.
“So, kahit kami talaga, sasabihan namin siya ‘no,'” mariing sabi ni Wency.
Nabanggit ng OPM icon na dating frontman ng bandang After Image, na may mga kamag-anak din naman siyang nasa politika, sina Navotas Mayor John Reynald Tiangco at Navotas District Representative Tobias “Toby” Reynald Tiangco.
Sa tanong kung may balak ba siyang subukan ang maging public servant, tugon ni Wency, “No, definitely not me. I have no patience, pangit man pakinggan ‘to, I don’t like dealing with people.
“I know politics, you have to put up a wall or whatever it is. It really doesn’t run in our blood, yung side namin ng Tiangco,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, “And I’m not that type of person, I’m very straight [forward]. When I feel this way, I will tell you I feel this way.
“And di puwede yun sa politics, you have to be more, pangit ulit pakinggan pero, two-faced. Ganyan yung paniniwala ko,” aniya pa.
Samantala, makakasama ni Wency sa Valentine concert na “All Heart” ang iba pang OPM icons na sina Roselle Nava, Ito Rapadas, Raymond Lauchengco, Boboy Garovillo at Jim Paredes.
Magaganap ito sa mismong Araw ng Mga Puso, February 14, sa PICC Plenary Hall, mula sa direksyon ni Calvin habang si Elmer Blancaflor naman ang music director. Ang tickets ay available sa Ticketworld.
Roselle Nava, Raymond Lauchengco, Ito Rapadas, Wency Cornejo kanya-kanyang hugot sa usaping ‘love’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.