Maricel may tinanggihang pelikula sa Regal Films: Hindi ako pinayagan ni Daddy Dolphy kasi baby pa ako | Bandera

Maricel may tinanggihang pelikula sa Regal Films: Hindi ako pinayagan ni Daddy Dolphy kasi baby pa ako

Ervin Santiago - August 21, 2022 - 03:07 PM

Maricel Soriano at Dolphy

INALOK pala sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano ang iconic Regal Films movie na “Katorse” na pinagbidahan noon ni Dina Bonnevie.

Kuwento ng award-winning actress at Box-Office Star, ang gusto pala ni Mother Lily Monteverde ay siya ang magbida sa naturang pelikula pero napunta nga kay Dina.

Sa guesting ni Maricel sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kahapon, August 20, kung saan nakasama rin niya ang iba pang sikat na Regal Babies, napa-throwback nga siya sa mga nagawa niyang pelikula sa Regal Films.

Simulang chika ni Maria, naging Regal Baby siya sa edad na 16 at inalok nga siya noon na gawin ang “Katorse” na idinirek ng namayapang filmmaker na si Joey Gosiengfiao.

Pinagbidahan nga ito ni Dina, kasama ang yumaong aktor na si Alfie Anido at si Gabby Concepcion.
Chika ni Maria, hindi raw niya ginawa ang naturang pelikula dahil pinigilan siya ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Comedy King Dolphy.

Ginagawa raw kasi nila noon ang sikat na sikat na sitcom na “John en Marsha” kasama si Mang Dolphy at Nida Blanca.

View this post on Instagram

A post shared by Maricel Soriano Updates (@maricelsoriano_updates)


Pagbabahagi ni Maricel sa mga Dabarkads, “Actually nu’ng 13 years old ako, kinukuha ako ni Direk Joey Gosiengfiao para gawin ‘yung Katorse.

“Hindi ako pinayagan ni Daddy Dolphy. Kasi baby pa ako, hindi puwede raw, so hindi ko ginawa,” aniya pa.

Ang kauna-unahang pelikula naman dae niya sa Regal Films ay ang “Underage” kung saan nakasama niya sina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

At sa tanong kung ano ang pinaka-memorable na pelikula niya sa film outfit ni Mother Lily, “Alam n’yo lahat ng pelikula ko sa Regal, memorable sa akin. Ang dami ko pelikula sa Regal, huwag mo itatanong kung ilan. Ha-hahahaha!

“Marami! Galawgaw, Pabling, siyempre ‘yung Underage, Oh, My Mama!” pag-iisa-isa pa ni Maria sa mga nagawa niyang pelikula sa Regal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298429/dina-bonnevie-muling-nakipag-bonding-sa-mga-apo-kay-oyo-boy
https://bandera.inquirer.net/320711/dina-bonnevie-nagluluksa-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil-till-we-meet-again
https://bandera.inquirer.net/287388/jasmine-nakatikim-kina-jaclyn-at-dina-dapat-kasi-lagi-kang-handang-matuto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending