Mike Enriquez inihatid na sa kanyang huling hantungan, pati langit ‘nakiiyak’
INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang award-winning veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez sa Loyola Memorial Park, Marikina City ngayong araw, September 3.
Tila pati langit ay nakiiyak dahil sa lakas ng pag-ulan habang inilalabas ang kabaong ng namayapang news anchor mula sa simbahan patungo sa kanyang paglilibingan.
Bago ilibing, nagsagawa muna ng funeral mass sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City sa pangunguna ng naulilang asawa ni Mike na si Lizabeth “Baby” Yumping Enriquez.
Bukod sa pamilya, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan, naroon din sa misa ang mga executives ng GMA Network, GMA Public Affairs, DZBB, at GMA Integrated News.
View this post on Instagram
Ilan sa mga ito sina GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong, GMA First Vice President for Radio Operations Group Glenn Allona, “24 Oras” host Vicky Morales, at Super Radyo dzBB anchors Melo del Prado at Joel Reyes-Zobel.
Sa kabila ng malakas na ulan, sumabay pa rin ang mga taong nagmamahal kay Mike sa funeral convoy nito mula sa Christ The King Parish Church patungong Loyola Memorial Park.
Baka Bet Mo: Burol para kay Ricky Rivero binuksan na sa publiko, mga naiwang kaibigan sa showbiz tuloy sa pagluluksa
Mula naman sa Christ the King Parish, idinaan muna ang labi ny namayapang broadcaster sa kanyang tahanan sa White Plains Subdivision sa Quezon City na personal na hiniling ng kanyang pamilya.
Base sa isang video na napanood namin mula sa GMA, talagang nag-abang sa labas ng kanyang tahanan ang dalawa nilang kasama sa bahay. Karga-karga ng mga ito ang dalawang alagang aso ni Mike na sina Booma at Mikey.
Pumanaw si Mike sa edad na 71, nitong nagdaang August 29 habang naka-confine sa ICU ng St. Luke’s Medical Center, sa Quezon City.
View this post on Instagram
Matatandaang noong December, 2021 nang mag-file siya ng medical leave sa GMA 7 para sa kanyang kidney transplant. Taong 2018 naman nang sumailalim siya sa isang heart bypass.
Ilang taon ding naging anchor si Mike ng flagship newscast ng GMA na “Saksi” at “24 Oras”. Siya rin ang host ng tinaguriang “Sumbungan ng Bayan” na “Imbestigador.”
Nagsilbi rin siya bilang presidente ng RGMA Network at naging senior vice president din ng GMA Network at Consultant for Radio Operations. Nagkaroon din siya ng mga programa sa DZBB, ang “Super Balita sa Umaga” at “Saksi sa Dobol B.”
Dating Pangulong Aquino, inihatid na sa huling hantungan
Andrew Schimmer, 2 anak inihatid na sa huling hantungan si Jho Rovero
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.