Liza Soberano spotted sa LA kasama si Jeffrey Oh, magdyowa ba?

Liza Soberano spotted kasama si Jeffrey Oh, magdyowa nga ba?

Therese Arceo - September 21, 2024 - 11:46 PM

Liza Soberano spotted sa LA kasama si Jeffrey Oh, magdyowa nga ba?

USAP-USAPAN ngayon ng netizens kung totoo ba ang mga kumakalat na chika na may namamagitan sa pagitan ng aktres na si Liza Soberano at Jeffrey Oh?

Kasalukuyan kasing nasa Singapore ang aktres matapos itong maging isa sa mga speaker sa isang event.

At tila hindi lang si Liza ang nasa Singapore dahil spotted rin na kasama nito ang kontrobersyal na personalidad ngayon na si Jeffrey Oh.

Sa Instagran stories ng Indonesian actress na si Raline Shah ay ibinahagi nito ang kanilang short encounter ng Filipino actress.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Liza Soberano: Sana magising na siya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“It was nice meeting you, most beautiful girl in the Philippines and the world for sure,” saad ni Raline kay Liza.

Makikita naman ang aktres na nakangiti at masaya sa kanilang short encounter habang nagpapasalamat sa papuri sa kanya ng Indonesian actress.

Ngunit sa kalagitnaan ng video ay may makikitang lalaki na nakatayo malayo sa dalawa at nang mapansin ng lalaki na makukunan siya sa camera ay bahagya itong nagtago.

Bagamat wala pang kumpirmasyon ay hawig ng lalaki si Jeffrey Oh kaya naman hindi na nakapagpigil ang netizens at ilang fans at supporters ni Liza na mag-react rito.

Marami sa mg sumusubaybay sa tambalang LizQuen, ang loveteam nila ng ex-boyfriend na si Enrique Gil ang tila disappointed sa dalaga kung totoo man na si Jeffrey ang ipinagpalit niya sa Kapamilya actor.

Ang ilan naman ay worried kay Liza dahil sa huling naging pasabog ni James ukol sa kanyang dating partner sa negosyo.

Matatandaang sa naging panayam ni James sa dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz ay inamin nitong lumabas na ang tunay na kulay ni Jeffrey at hindi na ito parte pa ng Careless Music.

Bukod pa rito, may utang itong P100-M sa kanya at hanggang ngayon at hindi pa ito ma-contact.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana hindi totoong mag karelasyon na si Liza Soberano at yung Jeffrey Oh. Daming Red Flag ni lalake, inaresto yan last year ng BID sa office ni James Reid due to work permit,” saad ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “Sana hindi totot na magdyowa sila. Dyuskoooo. What a downgrade.”

“So disappointed with you, Liza! Wake up!” sey naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending