Netizens kilig sa 'couple' Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa Bandera

Netizens kilig sa ‘couple’ Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa

Chris Gamoso |November 01,2021
share this

Netizens kilig sa ‘couple’ Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa

Chris Gamoso - November 01, 2021 - 04:21 PM

Donny Pangilinan, Belle Mariano

MARAMING puso na naman ang nabihag ng tambalang DonBelle na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa inilabas nilang Halloween costumes sa kani-kanilang Instagram accounts.

Pano naman kase, kilig to the max sila sa kanilang red and black dinosaur costumes at magkasunod pang nag-post!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

Sa mga comments, halos may mahimatay na lalo pa’t representation daw kasi ito ng fandom colors ng mga ‘Bubblies’ na red and black hearts.

Marami ring naloka at nalito dahil halloween naman ang expected ng lahat pero bakit daw parang napa-advance ang Valentines bash ng DonBelle sa kanilang fans!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano (@belle_mariano)

Narito ang ilan sa mga bentang comments sa post ng He’s Into Her stars:

For sure nanginginig sa kilig si @itsyourbabe97: “Halloween pero bat parang valentines?”

Sabi pa ni @erikaaa.jyc, “Aaaacckkkk!!! Dapat matakot ako diba dahil halloween pero bakeeet kinikilig akooooo???”

“Ayaw kong isipin pero super cute parang pang-couple” sey ni @mcfreida.

Laptrip naman ang kay @twnklsss, kalmahan mo: “Hahabol po ako sa halloween, mamatay ako sa kilig”

“Pasimple lang talaga kayong dalawa magpakilig” comment ni @kathg.nolasco.

Nagpapasaring naman in behalf of all the singles in lif si @alexandria.rennei: “Di naman po kami nainform na kailangan pala may partner kapag halloween jusko sana all nalang lage…”

Inggit pikit pero kilig naman ang peg ni @ashleylychee.gonzales: “Nakakaiyak sa inggit pighati dalamhati hinagpis bat kayo ganyan donbelle.”

Nakisali rin sa paghiyaw online ang ilang Kapamilya stars katulad nina Melai na nagcomment ng “Kilig nanamen” at AC Bonifacio “ah GANONNN”

Dumami pa tuloy ang naintriga kung endgame na talaga para kina Donny at Belle dahil sa sunod-sunod na pagpapakilig sa kanilang fans.

Hirit din kasi ng actor na si JC Alcantara, “Pwede namang umamin na hahahah” na inulan din ng iba’t ibang reaction mula sa mga Bubblies.

“Pabulong naman po please. I’m shakingg right now.”

“Hahahaha wag daw po muna. Nag-eenjoy pa sa moment yng mga bulang (Bubblies) mala-NBI”

“Wala munang aamin we like the thrill…wala munang aamin Donbelle, nag-eenjoy pa kami sa paghuhulaan…no pressure!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

 

Anyway, dagdag pa sa kilig for sure sa mga fans ng DonBelle dahil streaming na sa Netflix ang kanilang kilig series na “He’s Into Her” simula ngayong araw, Nobyembre 1.

Screencaptured from @donny on Instagram

Naunang napanood ito sa iWant TFC, Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live via YouTube channel at FB page of ABS CBN Entertainment noong May ngayong taon.

Related Chika: 

IN PHOTOS: Celebrity kiddos bumida sa iba’t ibang halloween pakulo

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween

Donny proud na proud sa ‘He’s Into Her’, pero umaming nape-pressure dahil…

Cast members ng ‘He’s Into Her’ nabiktima rin ng pambu-bully

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending