'Hidilyn Diaz' costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween | Bandera

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 04:06 PM

Anne Curtis and Dahlia Heussaff

NAGPASABOG ng good vibes ang cute na cute na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia sa paandar na pictorial nito kasabay ng selebrasyon ng Halloween this year.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens, kabilang na riyan ang mga kilalang celebrities, ang Instagram photo ni Dahlia na ibinahagi ng celebrity couple sa kani-kanilang accounts.

In fairness naman kasi, pak na pak ang costume ni Dahlia bilang si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist para sa weightlifting.

Makikita ang bagets suot ang kanyang blue costume na may nakasulat na “PHILIPPINES” na katulad na katulad ng damit ni Hidilyn noong lumaban ito sa Tokyo Olympics ilang buwan na ang nakararaan.

Bukod sa damit, winner din ang buhat-buhat ni Dahlia na laruang barbell na gawa sa paper plates. Ang caption ni Anne sa kanyang post ay, “Our Gold Medallist!!!”

Tinag pa ng TV host-actress si Hidilyn sa kanyang IG post at sinabing napakalaking inspirasyon niya sa, “the youth that with hard work and perseverance you can achieve your biggest/heaviest dreams.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Ni-repost naman ni Hidilyn sa kanyang Instagram Story ang post ni Anne at may caption na, “Ang cute naman. At maganda ang form.” Nilagyan pa niya ito ng dalawang heart emojis.

Si Dahlia ang panganay nina Anne at Erwan na nag-isang taon na last March, 2021.

Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending