Janella Salvador inokray ng netizen, 'bumigay' raw sa pogi kaya naging single mom | Bandera

Janella Salvador inokray ng netizen, ‘bumigay’ raw sa pogi kaya naging single mom

Therese Arceo |September 10,2022
facebook
share this

Janella Salvador inokray ng netizen, ‘bumigay’ raw sa pogi kaya naging single mom

Therese Arceo - September 10, 2022 - 10:54 AM

Janella Salvador inokray ng netizen, 'bumigay' raw sa pogi kaya naging single mom

ILANG araw na ring laman ng balita ang Kapamilya actress na si Janella Salvador buhat nang magsalita ito patungkol sa kanyang buhay may anak.

Matatandaang kamakailan lang nang aminin ng aktres na isa na siyang single mom na siyang kumpirmasyon rin na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak na si Markus Paterson.

Marami sa mga netizens ang humanga sa kanyang matapang na pag-amin at kanyang tatag ng loob para palakihin ang kanilang anak na si Jude.

Chika pa ni Janella, proud na proud siya sa kanyang sarili dahil dahil isa siyang working single mother.

“Being a single mom. Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya,” saad ng aktres.

Pagpapatuloy pa ni Janella, “As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin.

“I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador ✨ (@teamjanella)

 

Isang netizen ang nag-comment ng negatibo ukol sa kadahilanan kung bakit siya naging single mom.

“Agad ka kasi bumigay sa pogi, ‘yan napala mo, single mom ka tuloy,” saad ng netizen.

Isang Facebook account naman na nagngangalang “Janella Salvador” ang diretsahang sinagot ang komento ng naturang netizen.

“Stop talking that you know everything. You don’t know me. I’m not even judging your overly edited face,” sagot nito.

Nang i-check namin ang naturang Facebook account ay nakumpirma naming hindi ito ang official account ng Kapamilya actress.

Pero say ng mga netizens, mukha namang agree rin si Janella sa naturang comment ng kung sinuman ang tao sa likod ng Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan.

Matatandaang nangyari na rin ang ganito noon kung saan may netizen na nang-bash sa kanya ngunit isang Facebook page rin na gumagamit ng kanyang pangalan na nagtanggol sa kanya.

Pinabulaanan ni Janella na siya ang nag-comment at sinabing hondi niya pagmamay-ari ang naturang FB account ngunit sinabi niyang okay sa kanya ang naging sagot nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Janella patuloy na inilalaban ang pagiging single mom: Alam kong kaya ko siya…hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba

Markus may drinking problem, hiwalay na nga ba kay Janella kahit nakatira sa iisang bahay?

Lolit Solis hanga kay Janella Salvador sa pagiging single mom, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending