Lolit Solis hanga kay Janella Salvador sa pagiging single mom, pero... | Bandera

Lolit Solis hanga kay Janella Salvador sa pagiging single mom, pero…

Therese Arceo |September 08,2022
facebook
share this

Lolit Solis hanga kay Janella Salvador sa pagiging single mom, pero…

Therese Arceo - September 08, 2022 - 06:05 PM

Lolit Solis hanga kay Janella Salvador sa pagiging single mom, pero...

HINDI napigilan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis na purihin ang Kapamilya actress ba si Janella Salvador.

Kamakailan kasi nang aminin ng aktres na isa na siyang single mom at ito’y nangangahulugang hiwalay na sila ng kanyang partner na si Markus Paterson.

At sa Instagram account nga ni Manay Lolit ay nagbigay siya ng opinyon ukol sa pagsiwalat ni Janella sa pagbe-break nila ng dating karelasyon.

“Hanga ako sa desisyon ni Janella Salvador na maging single mom ng humiwalay siya sa kanyang BF, Salve. Ipinakita niya ang tapang at lakas ng loob,” saad ng talent manager.

Pero sa kabila ng ipinakitang paghanga ni Manay Lolit sa celebrity mom ay pinaalalahanan niya ito.

“Pero huwag niyang sabihin na hindi niya kailangan at never siyang hihingi ng tulong kahit kanino. No man is an island.

“Hindi ka puwede mabuhay na mag isa ka lang, na walang tutulong sa iyo,” sey ni Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Aniya, big word daw para sa isang tulad ni Janella ang sabihing kaya niya mag-isa ang mabuhay at hindi niya kailangan ng tulong mula sa kahit na sino.

Kaya nga nagtaka siya kung may hindi ba pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng kanyang pamilya.

“Meron ba silang gap ng pamilya niya ? Kahit sino sa pamilya niya ayaw niya ng tulong ? Bakit ? Paano niya bubuhayin ang anak? Saan siya kukuha ng gagastahin?” sunud-sunod na tanong ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Kung sakali magtrabaho siya, sino ang titingin sa anak niya? Basta ipagdasal niya na makaya niya ang pagiging single mom, pero huwag na siya magsalita tungkol sa hindi paghingi ng tulong.”

Sey pa ni Manay Lolit, hayaan na lang daw ni Janella ang mga tao kung gusto siyang tulungan para mas maging madali ang lahat para sa kanya.

“We pray that Janella Salvador at ang anak niya magkaruon ng magandang buhay at malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating.

“A whole new world, a better one para sa isang single mother na tulad ni Janella Salvador. Bongga,” hirit pa ni Manay Lolit.

Matatandaang sa vlog ni Bernadette Sembrano nangyari ang naturang pag-amin ng aktres sa tunay na estado ng relasyon nila ni Markus.

“Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” sey ni Janella.

Related Chika:
Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella patuloy na inilalaban ang pagiging single mom: Alam kong kaya ko siya…hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba

Kylie Padilla bilang single working mom: Nu’ng una feeling ko hindi ko kaya, feeling ko nagi-guilty ako

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending