Paolo game mag-guest sa 'It's Showtime': Kaibigan ko sina Vice

Paolo game na game mag-guest sa ‘It’s Showtime’: Kaibigan ko sina Vice

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

Paolo game na game mag-guest sa ‘It’s Showtime’: Kaibigan ko sina Vice

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 08:45 AM

Paolo game na game mag-guest sa 'It's Showtime': Kaibigan ko sina Vice

Vice Ganda, Paolo Contis at Vhong Navarro

MUKHANG madali namang naka-recover si Paolo Contis sa pagkakatsugi sa noontime show nilang “Tahanang Pinakamasaya.”

Base sa isang panayam kay Paolo, parang wala nang sama ng loob o negative feeling ang actor-TV host mula nang tanggalin sa ere ang ipinalit ng GMA 7 sa “Eat Bulaga” na “Tahanang Pinakamasaya.”

Matatandaang tuluyan nang nagpaalam sa Kapuso Network ang programa ng TAPE, Inc. noong March 7, na pinangungunahan nina Paolo, Isko Moreno, Buboy Villar at iba pang Kapuso stars.

Baka Bet Mo: Michael V gustong mag-guest si Vice Ganda sa bagong ‘Bubble Gang’: ‘Sana nga mabigyan ng chance’

Sinundan nga ito ng historical na pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA para sa pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa Kapuso Network noong March 20, 2024.

Sabi ni Paolo sa panayam ng “24 Oras”, game na game siyang mag-guest sa “It’s Showtime” kung mabibigyan siya ng chance.

“Oo. Work is work and I’m very happy na meron silang lugar,” sey ng aktor. Payag din siyang makipag-collaborate sa mga host ng “It’s Showtime”.

“Lahat (ng mga host), alam mo kaibigan ko naman sila, kaibigan ko karamihan sa kanila. Si Ogie (Alcasid), si Vice (Ganda). I’m very close to Vhong (Navarro), so lahat naman yan very open tayo,” sabi pa ni Pao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nauna nang itinanggi ni Paolo na may sama siya ng loob sa GMA 7 tulad ng mga naglabasang chika. Sa presscon ng “Best Day Ever” campaign ng Kapuso Network ay natanong siya kung ano ang kanyang birthday wish.

Baka Bet Mo: Zoren gustong idirek si Carmina kasama ang 3 aktor na na-link sa asawa

“Wala po akong wish. Nais ko lang pong magpasalamat sa suporta ng GMA 7 sa akin. Again, I wanna thank GMA for always supporting me, for always supporting the show.”

“May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po yun totoo. Pero pagbigyan na po natin yung mga nagkakalat nu’n.

“Content po nila yun, para po sa kanila yun. Pero, it’s not true. I love GMA, and I’m very thankful to GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So, walang dahilan para magtampo ako sa GMA,” sabi ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending