Zoren gustong idirek si Carmina kasama ang 3 aktor

Zoren gustong idirek si Carmina kasama ang 3 aktor na na-link sa asawa

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

Zoren gustong idirek si Carmina kasama ang 3 aktor na na-link sa asawa

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 07:45 AM

Zoren gustong idirek si Carmina kasama ang 3 aktor na na-link sa asawa

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

INATAKE ng matinding nerbiyos ang Kapuso TV host-actress na si Carmina Villarroel nang muling mag-guest si Zoren Legaspi sa “Sarap Di Ba?”

Si Zoren ang nalagay sa “hot seat” ng weekly talkshow ng GMA 7 na “Sarap, ‘Di Ba?” pero sa halip na siya ang kabahan, ang wifey niyang si Carmina ang talagang naloka.

Kasama ni Zoren na nag-guest sa naturang show ang mga action star ng “Black Rider” series ng GMA na sina Jeric Raval at Ruru Madrid.

Isa sa mga naitanong ni Carmina  kay Zoren, kung may ididirek siyang pelikula na siya ang bida, sino ang kukunin niyang leading man na dating na-link sa asawang aktres.

Habang binabasa ni Carmina ang question, pinipikot naman niya ang tenga ng kanyang hubby para mag-ingat sa kanyang isasagot.

“Na-link sa ‘yo?” balik-tanong ni Zoren kay Mina habang nag-iisip kung sino ang babanggitin ng aktor.

Baka Bet Mo: Michael V gustong mag-guest si Vice Ganda sa bagong ‘Bubble Gang’: ‘Sana nga mabigyan ng chance’

Kitang-kita naman na parang mas natensiyon si Carmina nang banggitin ni Zoren na gusto niyang tatlo ang itambal sa naiisip niyang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


“Naalala n’yo yung pelikulang ‘3 Men and A Baby’? Ito ‘3 Men ang A Sweetheart.’ Ikaw, yung sweetheart,” chika ni Zoren kay Carmina.

Baka Bet Mo: Carmina gusto sana ng maraming anak: ‘Kung pwede ko lang i-rewind ‘yung buhay ko, 2 more pa sana’

Kasunod nito, binanggit nga ni Zoren ang mga pangalan nina Smokey Manaloto, Keempee de Leon at Piolo Pascual. Bigla naman napa-smile si Mina.

Inesplika ni Zoren kung bakit ang tatlong aktor ang napili niya, “Si Smokey sa comedy, si Keempee parang college-college, yung romance si Piolo.”

Pabiro namang nagbanta si Carmina sa kanyang mister, “Humanda ka sa akin mamaya sa bahay. Pa-action-action star ang image, patay ka sa akin!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tawa naman nang tawa ang mga anak ng celebrity couple na sina Mavy at Cassy Legaspi pati na sina Ruru Madrid at Jeric Raval.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending