Paolo Contis na-hot seat ni Kiray sa usaping 'panloloko': Never akong nanisi sa mga mali ko | Bandera

Paolo Contis na-hot seat ni Kiray sa usaping ‘panloloko’: Never akong nanisi sa mga mali ko

Therese Arceo |March 19,2023
facebook
share this

Paolo Contis na-hot seat ni Kiray sa usaping ‘panloloko’: Never akong nanisi sa mga mali ko

Therese Arceo - March 19, 2023 - 04:42 AM

Paolo Contis na-hot seat ni Kiray sa usaping 'panloloko': Never akong nanisi sa mga mali ko
HINDI nakailag ang Kapuso actor na si Paolo Contis nang bigla siyang usisain ni Kiray Celis patungkol sa usapang “manloloko”.

Nag-guest kasi si Kiray sa online show ng actor-comedian na “Just In” na uploaded noong Miyerkules, March 15.

Sa naturang episode ay natalakay nina Paolo at Kiray kung paano nga ba nagsimula ang love story nila ng dyowang gamer na si Stephan Estopia.

Kwento ni Kiray, matagal na raw silang magkakilala dahil bestfriend ito ng kanyang kapatid for a long time ngunit noon raw kasi ay hindi nila bet ang isa’t isa at pawang may mga karelasyon sila noon.

Na-curious naman si Paolo kung paano nagkagustuhan ang dalawa at tinanong kung paano sila nauwi sa pagiging magdyowa bigla.

Fresh from break up pa siya noon at naghahanap ng paraan para aliwin ang sarili kaya naman naisipan nitong maglaro ng online game na Mobile Legends kaya naman inaya niya ito.

Chika pa niya kay Paolo, “All of a sudden, binigyan kami ng chance ni Lord na lokohin kami pareho. Niloko siya, niloko rin ako.”

Habang naglalaro ay hindi nila namalayan na may sumisira na ng kanilang tore at doon daw napahugot si Stephen na “ok lang matalo sa laro huwag lang sa pag-ibig” at doon na nga raw nagsimula ang kanilang story.

Nagulat si Paolo sa rebelasyon ni Kiray na nakaranas rin itong maloko ng kanyang partner.

“Doon ko nalaman na lahat pala ng manloloko, isa lang ang reason… ‘Yung mga manloloko, ‘yung partner nila ‘yung sisisihin. Parang, ‘Ikaw kasi, e, kaya ako nagloko kasi ganito.’ Ikaw ‘yung pagmumukhain nilang masama,” lahad ni Kiray sabay tanong sa “Just In” host kung na-try na ba niyang gawin ito.

Baka Bet Mo: Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil

Sagot naman ni Paolo, “No. Ako, to be honest, never akong nanisi sa mga mali ko.”

“So, alam mo na mali ka?” sundot uli ni Kiray.

Sinagot naman siya ni Paolo ng “oo” na hiniritan naman ni Kiray ng “O, e, di good for you.”

Bigla namang nautal ang actor-comedian na parang nag-iisip at napatanong kung bakit paranc siya na ang ini-interview.

“Ang sa akin lang, kung may ginawa kang mali, be man enough to admit,” seryosong sabi ni Paolo.

Dugtong naman ni Kiray, “And be responsible also.”

Hindi naman ito sinang-ayunan ng aktor at sinabing irresponsable na nga ang ginawa nitong panloloko ngunit dapat ay matuto itong i-admit ang pagkakamali.

“Hindi. Iresponsable na nga yung ginawa mo. So be man enough to admit it. Say sorry and then try to change for the better,” sey ni Paolo.

Tanong naman ni Kiray, “Are you better now?”

“I’m a work in [progress],” sagot ni Paolo.

Related Chika:
Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending