Paolo Contis sa ‘real score’ kay Yen Santos: What you see is what you get… Bandera

Paolo Contis sa ‘real score’ kay Yen Santos: What you see is what you get…

Pauline del Rosario |January 29,2023
share this

Paolo Contis sa ‘real score’ kay Yen Santos: What you see is what you get…

Pauline del Rosario - January 29, 2023 - 02:47 PM
Paolo Contis sa ‘real score’ kay Yen Santos: What you see is what you get…

PHOTO: Instagram/@paolo_contis

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang tunay na relasyon ng aktor na si Paolo Contis sa aktres na si Yen Santos.

Matatandaan noong Nobyembre nang ibinandera ni Paolo sa Instagram ang litrato nilang dalawa na tila nasa isang dinner date upang ipagdiwang ang birthday ni Yen.

May caption pa nga ang aktor na, “Happy Birthday My Best Actress!”

Nang tanungin si Paolo sa isang panayam kung hudyat na nga ba ito na sila na nga ba, ang tanging sinagot lamang ng aktor ay “What you see is what you get.”

Sinabi pa niya na dapat hindi na pakialamanan ng publiko ang maraming bagay tungkol sa kanyang buhay.

“I’m OK. There are a lot of things that the public shouldn’t care about,” saad niya.

Samantala, inamin naman ni Paolo na miss na miss na niya ang kanyang 4-year-old na anak na si Summer na ngayon ay nakatira na sa New York City kasama ang ex-partner na si LJ Reyes.

Sey ni Paolo, “I won’t hide it—I miss her. And I hope I can visit her.”

Taong 2021 nang umugong ang mga bali-balitang hiwalay na sina Paolo at LJ.

Napansin kasi ng maraming netizens na naka-unfollow at burado na ang pictures ng ex-couple sa Instagram account ng aktor.

Kasunod niyan ay spotted na nga si Paolo sa Baguio City na kasama si Yen na pinaniniwalaang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Related chika:

Paolo Contis takot na takot kamuhian ng 3 anak, nag-reach out kay LJ Reyes: ‘But as I always say, forgiveness takes time’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending