Paolo Contis takot na takot kamuhian ng 3 anak, nag-reach out kay LJ Reyes: ‘But as I always say, forgiveness takes time’
KUNG may isang bagay na kinatatakutan si Paolo Contis na mangyari sa kanyang buhay, yan ay ang tuluyan siyang kamuhian ng mga anak.
Umiiyak na ibinahagi ng Kapuso actor sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday na matagal na niyang hindi nakikita ang tatlo niyang anak sa dati niyang mga karelasyon.
Naging emosyonal si Paolo nang mapag-usapan nila ni Tito Boy ang tungkol sa dalawang anak niya sa dating EB Babe member na si Lian Paz at sa Kapuso actress na si LJ Reyes.
Natanong si Paolo kung nakikita o nakakausap ba niya ang mga anak, “Ngayon wala. The last time I saw my Xonia and Xalene (mga anak kay Lian), mga six or seven years ago when we went to Cebu.
“And then naputol na naman. Kay Summer (nag-iisang anak niya kay LJ), magtu-two years ko na siyang hindi nakakausap,” sabi ng Kapuso star.
Kuwento ng aktor, nag-effort naman siya para makausap sina LJ at Summer, “I reached out though, I tried to reach out. But as I always say, forgiveness takes time, healing takes time, and I’m giving that to LJ.”
View this post on Instagram
Sundot na tanong kay Pao, “Hindi ka natatakot na isang araw magagalit ang iyong mga anak?”
“Takot na takot,” mabilis na tugon ni Paolo.
“Mahal mo sila?” Tanong uli sa kanya ng King of Talk na sinagot ng aktor ng, “Sobra.”
Pagpapatuloy ni Paolo, “‘Yung sa dalawa ko gusto kong bumawi. ‘Yung kay Summer biglaan kasi. Lahat silang tatlo mahal ko siyempre.”
“Pero ‘yung sa dalawa, malalim-lalim na ‘yung pagkukulang ko. So hindi ko sila masisisi,” sabi pa niya.
Kasunod nito, nagpasalamat din si Paolo kay Lian at sa fiancé nitong basketball player na si John Cabahug.
“I would like to take this opportunity to tell Lian and John. Thank you for doing a great job sa mga bata. Doon suwerte ako, kasi mabait ‘yung John eh,” aniya pa.
Samantala, inalala rin ni Paolo ang paghihiwalay nila ni LJ na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon kasama si Summer at ang panganay nitong si Aki na anak naman ng aktres kay Paulo Avelino.
“Kay Summer, nami-miss ko siya, sobra. Kasi noong pandemic, ‘yung ugali kasi ni Summer parang ako eh, loko-loko, eh. Lagi kong kasama ‘yun sa taping, tapos biglang naputol. Pag-uwi ko galing Sorsogon, paalis na sila, eh,” sey ni Pao.
“Kung pag-uusapan ang love, sobrang love ko sila. Pero you know, feeling ko reality lang. Hindi naman na sa akin lumaki, especially si Xonia and Xalene.
“So para ma-hate nila ako, ‘yun ang pinaka-fear ko. To be honest. Nasa stage ako na maging magkaibigan lang tayo eventually. Civil lang. Huwag lang galit.
“Hopefully it will come, maybe, I have no idea. Pero, that’s my biggest fear, is for them to actually hate me,” pagbabahagi pa ni Paolo Contis na balitang maligaya naman ngayon sa piling ng aktres na si Yen Santos.
Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.