Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father | Bandera

Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father

Therese Arceo |March 22,2022
facebook
share this

Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father

Therese Arceo - March 22, 2022 - 05:48 PM

Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father

NAGLABAS ng vlog update ang aktres na si LJ Reyes patungkol sa kaniyang kasalukuyang buhay kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.

Matatandaang lumipad ang aktres kasama ang kanyang mga anak papuntang New York City, USA matapos ang kanilang hiwalayan ng aktor at ama ni Summer na si Paolo Contis.

Sa naturang vlog ay puro mga clips ng bonding moments nilang tatlo ang mapapanood.

Mayroon ring isang clip kung saan tinanong ni LJ si Summer kung saan siya thankful.

“Tomorrow is Thanksgiving. Who are you thankful for?” tanong niya sa anak,

“Mommy,” sagot ni Summer.

“You’re so sweet, love. I’m thankful for you and Aki,” balik sagot ni LJ sa anak na.

Matapos marinig ni Summer ang sagot ng ina ay muli na naman itong nagsalita at sinabing, “Yeah and then you’re gonna cry again. Mommy! Oh my goodness! Oh my goodness!”

 

Marami naman ang happy para sa aktres dahil maayos ang kalagayan nilang mag-iina sa kabila ng hindi magandang sinapit ng kanyang relasyon sa dating partner.

Naglabas naman ng pahayag ang talent manager ni Paolo na si Lolit Solis sa kanyang Instagram account.

“Talaga naman hindi na dapat magbigay ng comment ni Paolo Contis pag tungkol kay LJ Reyes,” saad ng talent manager.

Aniya, ang tangi na lamang ugnayan ng dalawa ay ang kanilang cute na cute na anak na si Summer na miss na miss na raw ng aktor.

“Kahit ano pa sabihin, Paolo was trying to be a good father sa mga anak niya. Tatlo ang anak niyang babae, 2 kay Lian Paz at 1 kay LJ Reyes,” lahad ni Manay Lolit.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

 

Pagpapatuloy niya, “Puwede na hindi siya naging mabuting partner sa dalawa pero hindi puwede ibintang na hindi siya naging mabuting father sa mga anak.

“Nasa mga ina ang mga bata, alam nila na meron din karapatan si Paolo sa mga anak, at dapat bilang mabuting ina, hayaan nilang makilala ng mga bata ang kanilang father.”

Hiling niya na sana ay huwag ilayo ng mga ina ng mga anak na si Lian at LJ dahil may karapatan pa rin naman ito sa mga anak.

Dagdag pa niya, “Kahit ano pa ang gawin nila, hindi puwede burahin na si Paolo Contis ang ama nila. Kahit pa nga hiwalay na sila, bigyan nila ng semblance of normalcy ang mga bata.

Sana maging maayos ang pag uusap nila Lian, LJ at Paolo para sa kapakanan ng mga bata.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, malungkot man na ganito ang nangyari pero dahil tapos na, gawin na lang sanang maayos ang relasyon at sana raw ay lumaking normal at walang bitterness ang nga bata.

“We pray na maging maganda ang resulta para sa lahat.”

Related Chika:
Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!
Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending