Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can't wait to celebrate Jesus with a renewed heart! Bandera

Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!

Ervin Santiago |December 08,2021
share this

Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!

Ervin Santiago December 08, 2021 - 08:56 AM

LJ Reyes, Aki at Summer

KAHIT na walang partner o boyfriend ang Kapuso actress na si LJ Reyes mukhang magiging mainit pa rin ang pagdiriwang niya ng Pasko kasama ang kanyang pamilya sa Amerika.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang Pasko na hindi na niya kasama ang ex-dyowa na si Paolo Contis matapos silang maghiwalay ilang buwan na ang nakararaan.

Base sa mga bagong social media post ng aktres ay tila looking forward pa rin siya sa magiging kaganapan sa buhay niya ngayong holiday season with her children, Aki and Summer.

Nitong nagdaang Dec. 6, nag-post ang celebrity mom sa Instagram ng kanyang photo kalakip ang mensahe tungkol sa pagse-celebrate niya ng Christmas ngayong taon.

“Realized it’s December already! We just got our tree yesterday and seeing all the lights and decors in the shop are wonderful and got me excited and all giddy! What makes you excited about Christmas?” simulang pahayag ng aktres sa kanyang caption.

Sabi pa ng ex ni Paolo, super excited na siyang ibandera ang mas tumindi pa niyang pananampalataya at pananalig sa Diyos matapos ang mga pinagdaanang pagsubok ngayong 2021.


“As for myself, I think God’s salvation and redemption have never been more emphasized in our life this year. 

“So I am very excited to just really worship Him from here on! Not just with songs and praises, but with the gift of life that God has given me!

“Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart- not just on Christmas day, but every single day of my life!” pahayag pa ng Kapuso star.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang post ni LJ at halos lahat ay nagsabing happy sila para sa mommy nina Aki at Summer dahil ramdam na ramdam nila ang kaligayahan at kapayapaan ng puso ngayon ng aktres.

Kamakailan lamang ay naging emosyonal muli si LJ nang makatanggap ng handwritten message mula kay Aki na talagang ikinatunaw ng kanyang puso.

Ibinahagi niya sa Instagram ang letter ng anak na may nakasulat na, “I love you mom up to the moon, the star, and the sun.

“Dear mommy, I love you forever and I wish you will love me forever and I wish that you buy me a toy,” sabi pa ng bagets.

Nagdesisyon ang Kapuso actress na iwan muna ang Pilipinas at manirahan sa New York City pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo.

LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US

Balikang LJ Reyes-Paulo Avelino posible pa kaya?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending