Carmina gusto sana ng maraming anak: 'Kung pwede ko lang i-rewind 'yung buhay ko, 2 more pa sana' | Bandera

Carmina gusto sana ng maraming anak: ‘Kung pwede ko lang i-rewind ‘yung buhay ko, 2 more pa sana’

Ervin Santiago |February 09,2023
facebook
share this

Carmina gusto sana ng maraming anak: ‘Kung pwede ko lang i-rewind ‘yung buhay ko, 2 more pa sana’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 07:53 AM

Carmina gusto sana ng maraming anak: 'Kung pwede ko lang i-rewind 'yung buhay ko, 2 more pa sana'

Mavy Legaspi, Zoren Legaspi, Cassy Legaspi at Carmina Villarroel

KUNG ang Kapuso TV host-actress na si Carmina Villarroel lang ang masusunod gusto raw talaga niya ang magkaroon ng maraming anak.

Pangarap daw kasi noon pa ni Mina ang malaking pamilya para mas  masaya at mas exciting. Pero dalawa lang daw talaga siguro ang nakatadhana sa kanila ng asawang si Zoren Legaspi.

Ngunit sabi ni Carmina, super happy naman daw siya sa kambal na anak na ibinigay ng Diyos sa kanilang dalawa ni Zoren — sina Mavy at Cassy Legaspi na 22 years old na ngayon.

Sa YouTube channel ni Carmina,  naglaro sila ni Zoren ng “Who’s Most Likely To.” Sa isang bahagi ng video ay natanong nga ni Cassy ang kanyang parents ng, “Who’s most likely to want another child?”

Agad na sumagot ng “yes” si Mina at sinabing siya talaga ang mas may gusto nito, “Dahil first-time parents tapos twins agad, tapos pair pa. Feeling ko ay grabe set na kami, okay na kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


“Akala ko hindi na sila lalaki and mali ako, lalaki pala,” natatawang pa niyang paliwanag.

Kung naibabalik lang daw niya yung panahong bata pa sina Mavy at Cassy ay talagang paplanuhin nila ni Zoren ang pagkakaroon ng mas maraming anak.

“Kung alam ko lang, although mahirap, pero kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon, siguro one more, or two more. Kung pwede kong i-rewind ‘yung buhay ko,” sabi ng aktres.

Sa tanong naman ni Zoren kung baby girl or baby boy ang gusto ng kanyang wifey, sagot ni Mina, “Kahit ano’ng gusto ni God na ibigay sa akin.”

Chika pa ni Carmina sana raw ay sinundan pa nila ang kanilang kambal noong seven years old pa lamang ang mga ito.

Pero inulit niya na hindi naman siya nagsisisi na dalawa lamang ang naging anak nila ni Zoren.

“Wala naman akong ano, kasi ‘yun na ‘yung ibinigay ni God. So ano man ‘yung ibinigay ni God, we’re very thankful, we’re very grateful sa inyo ni Maverick,” pagbabahagi pa ni Carmina.

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Zoren kay Carmina: Huwag na huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa ‘yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending