Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal
Mavy Legaspi, Zoren Legaspi, Cassy Legaspi at Carmina Villarroel
NAGKUKULONG sa kotse ang Kapuso actor at TV host na si Zoren Legaspi kapag may madadramang eksena siya sa bagong teleserye ng GMA, ang “Stories From the Heart: The End Of Us”.
Ayon sa aktor kinailangan niyang umisip ng ibang paraan at atake para mabigyan ng hustisya ang role niya sa nasabing mini-series kung saan makakatambal niya ang asawang si Carmina Villarroel.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sila ni Zoren sa isang teleserye kaya naman magkahalong nerbiyos at excitement ang nararamdaman nila, lalo pa’t heavy drama ang “The End Of Us.”
Sa nakaraang virtual mediacon ng programa, puring-puri sina Carmina at Zoren ng kanilang direktor na si Zig Dulay.
Kahit daw kabaligtaran ng mga nangyayari sa serye ang mga kaganapan sa tunay nilang buhay bilang mag-asawa, nagampanan pa rin nila ng bonggang-bongga ang kanilang mga karakter.
Iikot ang kuwento ng “The End Of Us” sa mag-asawang nasa proseso ng annulment. Nasira ang relasyon nila nang dahil sa pangangaliwa ni mister.
“Kapag nag-aaway sila sa eksena, minsan alam nila nakuha na nila. After ng take, nagbibiruan na sila. Laking ambag na real-life couple sila. History ito para sa kanila,” ani Direk Zig.
Sey ni Mina, ibang-iba talaga ang role niya sa “The End Of Us”, “When I get to the set, I am the role, ako si Maggie kaya nalalabas it’s real, it’s authentic. I was Maggie there, not Carmina.”
Pahayag naman ni Zoren, malayung-malayo rin sa kanya ang karakter niya sa serye kaya talagang napaka-challenging gawin ang bawat eksena.
View this post on Instagram
“Kaya ako nagkukulong sa kotse. Doon ko dina-digest. Gusto ko magpakita ng something new as an actor. Gusto ko umiyak nang kakaiba,” aniya.
Sey pa ng aktor, kinarir din niya ang pagiging drama actor dahil may gusto siyang patunayan sa kambal ba anak na sina Mavy at Cassy Legaspi na pinupuri na rin sa husay nilang umarte.
“Dito sa bahay ako ang pinagtatawanan nila. Whatever I do, pagtatawanan nila kahit gaano kaseryoso ginagawa ko.
“With this project, I needed to push myself para hindi ako pagtawanan ng dalawa (kambal). I need to set an example sa kambal. They’re doing shows now,” diin ng hubby ni Mina.
At nang marinig ang mga papuri ni Direk Zig sa kanila ni Carmina, “Feeling ko nabunutan ako ng tinik. At least hindi ako pagtatawanan ng dalawa.”
Hirit naman ni Carmina, “I am very, very proud of you, Tatay, in this show because kakaiba ipinakita mo. I’m saying this as your co-actor, you gave your 101%. Noong binabato mo sa akin ‘yung emotions mo, nire-reciprocate ko lang. Talagang job well done.”
Mapapanood na ang “Stories From the Heart: The End of Us” simula bukas, Dec. 20, sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito si Ariella Arida.
https://bandera.inquirer.net/291557/carmina-boto-ba-kina-darren-at-kyline-para-kina-cassy-at-mavyhttps://bandera.inquirer.net/290782/kambal-ni-marvin-16-years-old-na-sana-palakasin-kayo-ng-mga-pagsubok-na-pinagdaraan-natin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.