Sharlene San Pedro nabili ang dream car, nagkakahalaga ng halos P5-M?

Sharlene San Pedro
BONGGA! Napa-sana all na naman ang madlang pipol sa latest achievement ng Kapamilya actress at gamer na si Sharlene San Pedro.
E, kasi nga, finally ay natupad na niya ang isa sa matagal na niyang pinapangarap — ang mabili na ang kanyang dream car.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account, ibinandera ni Sharlene ang nabiling brand-new Toyota Land Cruiser Prado na may caption na, “Dos is here (white heart emoji).” Na ang tinutukoy nga ay ang kanyang second car.
Inilarawan pa ni Sharlene ang pagbili niya ng naturang sasakyan bilang “napaka sheeshable moment” base na rin sa kanyang gamer persona.
Baka Bet Mo: Sharlene binasag si Xian Gaza dahil sa fake news: Wala kasing nagkakagusto sa ‘yo kaya puro chismis kinakalat mo
Makikita sa TikTok video na ibinahagi ng aktres ang mga naging kaganapan at prosesong pinagdaanan sa pagbili niya ng mamahaling sasakyan – mula sa pagpunta niya sa car dealership, pagpirma ng mga documents hanggang sa pagbibigay sa kanya ng susi ng kotse.
Mababasa naman sa naturang video ang mga text caption na “bought my dream car yesterday,” “20 years in the making,” “ngiting sumakses,” “ang saya i-drive”, at “Thank you, Lord.”
View this post on Instagram
Sandanakmak namang congratulatory message ang natanggap ni Sharlene mula sa kanyang mga fans at kaibigan sa showbiz.
Ilan sa mga natuwa at bumati kay Sharlene ay sina BINI Gwen, Kris Bernal, Kimpoy Feliciano, David Guison, Cher Barnacha at marami pang iba.
Ang chika, umaabot sa P4.8 million ang halaga ng nabiling sasakyan ni Sharlene kaya naman napa-wow talaga ang kanyang social media followers. Bumilib sila sa dalaga dahil sa kanyang edad ngayon ay nakapagpundar na siya ng kanyang dream car.
Noong 2023 nang mabili ni Sharlene ang una niyang car, isang black Ford. Sa kanyang X (Twitter) account, sinabi niyang katas ito ng kanyang gaming career, “Sulit ang puyat at pagod sa pagka-live. Thank you, Lord.”
Sabi ni Sharlene sa isa niyang vlog, hindi niya talaga binalak na karirin ang pagiging online gamer, “Hindi ko naman naisip na magiging trabaho ko ito ngayon, pero minsan, ilalagay ka ni Lord sa unexpected na basta hayaan mo lang Siya.”
Kuwento naman niya sa panayam ni Bianca Gonzalez sa online show niyang “BRGY”, “A few months after nagsimula ako, kinuha ako ng mismong game na nilalaro ko. Doon na nag-start yung gaming career ko.”
Tungkol naman sa kanyang kinikita at savings, “Gusto ko na napupunta ang income ko sa family savings, pero binigyan ako ni Mama ng sarili kong account na parang allowance.”
“Iniipon ko siya buwan-buwan, hanggang sa nakabili ako ng sarili kong sasakyan,” aniya.
Base sa isang ulat ng ABS-CBN, kumikita umano an mga ggaming-content creators ng P138,000 to P275,000 kada buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.