Sharlene binasag si Xian Gaza dahil sa fake news: Wala kasing nagkakagusto sa ‘yo kaya puro chismis kinakalat mo | Bandera

Sharlene binasag si Xian Gaza dahil sa fake news: Wala kasing nagkakagusto sa ‘yo kaya puro chismis kinakalat mo

Ervin Santiago |April 12,2022
facebook
share this

Sharlene binasag si Xian Gaza dahil sa fake news: Wala kasing nagkakagusto sa ‘yo kaya puro chismis kinakalat mo

Ervin Santiago - April 12, 2022 - 07:19 AM

Sharlene San Pedro at Xian Gaza

BINASAG ng Kapamilya young actress na si Sharlene San Pedro ang social media personality na si Xian Gaza dahil sa pagpapakalat nito ng fake news sa social media.

Hindi pinalampas ng dalaga ang ipinost ng kontrobersyal na internet sensation sa Facebook tungkol sa kanila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Ayon kay Sharlene, pawang mga kasinungalingan ang ipino-post ni Xian sa socmed kaya talagang naglaan daw siya ng oras para supalpalin ito at para ibandera sa madlang pipol ang pagiging “creator” nito ng fake news.


Tulad na nga lang ng malisyosong FB post nito tungkol sa kanila ni Ricci matapos itong “mag-propose” kay Andrea Brillantes pagkatapos ng kanyang game sa UAAP.

“Ricci Rivero, iniwan si Sharlene San Pedro para kay Andrea Brillantes! Petsa ng unang pompyangan, inaalam ng aming team!” ang nakakalokang post ni Xian sa Facebook.

Matatandaang nagtambal noon sina Sharlene at Ricci para sa pelikulang “Happy Times” kung saan tinawag pa ngang SharCci ang kanilang loveteam.

Kasunod nito, nag-tweet nga si Sharlene para ipaalam sa publiko na isang malaking fake news ang bagong pasabog na chika ni Xian kasabay ng pagtawag dito ng “clout-chaser.”

“Shoutout sa ‘yo Xian Gaza tama na pagpapakalat ng fake news. Napaka clout chaser mo talaga di ko alam bat may naniniwala pa sa mga walang basehan na chismis na kinakalat mo,” ang mensaheng ibinahagi ni Sharlene sa kanyang Twitter followers.

Dagdag ng dalaga, talagang  gumagawa raw ng mga pekeng balita tungkol sa mga celebrities si Xian dahil, “Wala kasing nagkakagusto sa ‘yo ano kaya puro chismis kinakalat mo.”

Ilang sandali lang ang nakalipas pagkatapos maglabas ng saloobin si Sharlene sa nasabing fake news, nag-post uli si Xian ng litrato ng  Kapamilya star at sinabing natagpuan niya itong mukhang malungkot sa isang lugar sa Quezon City.

Samantala, marami namang fans ang nagpayo sa young actress na sampahan na ng cyber libel case si Xian para maturuan daw ito ng leksyon at matigil na ang paggawa ng mga fake news sa socmed.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilang netizens naman ang nagkomento na waste of time lang ang pagdedemanda ni Sharlene at huwag na lamang daw pansinin si Xian dahil mas nag-eenjoy daw ito kapag binibigyan siya ng atensyon ng mga taong tsinitsismis niya.

Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba ‘yung pinuntahan ni Carlo Aquino?

Liza nagsalita ukol sa kumakalat na fake news sa kanyang business; may payo sa kapwa business owners

Ogie Diaz pumalag sa fake news na supporter ni Marcos si Liza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending