Sharlene chinika kung paano pinaghirapan ang nabiling 1st car

Sharlene chinika kung paano pinaghirapan, pinagipunan ang nabiling 1st car

Pauline del Rosario - July 21, 2024 - 02:11 PM

Sharlene chinika kung paano pinaghirapan, pinagipunan ang nabiling 1st car

PHOTO: Instagram/@sharlenesanpedro1

NAKAKATUWA at talagang nakaka-motivate ang latest chika ni Sharlene San Pedro patungkol sa kanyang recent milestone sa buhay.

Ito ‘yung nakabili na siya ng sarili at kauna-unahan niyang kotse mula sa mga naipon niyang pera sa paglalaro lamang ng online games.

“‘Yung income kasi parang gusto ko na napupunta siya sa family savings, pero ‘nung time kasi na nag-livestream ako binigyan ako ni mama ng sarili kong account na parang allowance,” pagbabahagi niya sa “BRGY” with Bianca Gonzalez.

Patuloy niya, “Iniipon ko siya buwan-buwan na parang binubuno ko siya tapos nakakatuwa kasi naiipon ko siya sa allowance ko lang.” 

“Sobrang thankful rin po ako kasi pinagkatiwalaan ako ni Mama mag-drive,” ani pa ng young actress.

Baka Bet Mo: Sharlene binasag si Xian Gaza dahil sa fake news: Wala kasing nagkakagusto sa ‘yo kaya puro chismis kinakalat mo

Inalala rin ni Sharlene na nagsimula siya sa kanyang livestream journey sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic nang mahinto ang mga proyekto at mga ganap sa showbiz industry.

“‘Nung time na ‘yun siyempre walang work so parang nag-pause lahat, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko para makita ako ng supporters ko? So sabi ko, naglalaro naman ako so naisip ko mag-mobile games ako para mas marami akong maabot,” kwento niya.

Pero nilinaw din ng aktres na kahit abala siya sa online games ay hindi pa rin niya iiwan ang kanyang acting career.

“Kasi siyempre parang first love [‘yung acting], ayaw ko talaga siyang tanggalin,” wika niya.

Paliwanag pa niya, “Parang lagi kong sinasabi kahit gaano ako maging ka-busy sa mga ginagawa ko sa buhay, kapag may project na talagang hindi ako nag-dalawang isip, o-oo-han ko po talaga kahit gaano ako ka-busy.”

Matatandaang taong 2005 nang magsimulang sumikat si Sharlene matapos mapabilang sa comedy gag show na “Goin’ Bulilit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama niya riyan sina Nash Aguas, Kiray Celis, Kristel Fulgar, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at marami pang iba.

Bukod diyan, naging tampok din siya sa “Princess Sarah,” “Mga Anghel na Walang Langit,” “Calla Lily” at “Luv U.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending