Mikhail Red tambay ng computer shop noon, dream come true ang ‘Friendly Fire’
PARA sa film director na si Mikhail Red, very personal ang bago niyang pelikula na “Friendly Fire.”
Ayon sa kanya, isa sa naging inspirasyon niya ay ‘yung pagiging gamer nila ng kanyang kapatid.
“Actually, isa ito sa pinaka personal kong movies kasi nga growing up, gamer talaga ako,” pagbubunyag niya sa isang interview kasama ang ilang entertainment reporters sa naganap na premiere night ng eSports movie.
Chika niya pa, “Co-written din and edited by my younger brother, so tambay kami sa mga internet cafe, sa mga comp[uter] shop ‘nung bata kami.”
Nabanggit din niya na matagal na niyang gustong gumawa ng eSports genre, lalo na’t bihira lang itong gawin sa ating bansa.
Baka Bet Mo: Loisa sa esports industry: ‘Hindi lang puro lalaki, kaya rin ng girls!’
“So ‘yung types of movies ko, ‘yung mga movies na gusto kong makita sa local screens pero hindi masyadong naggi-green light, so big opportunity ‘to na ma-combine ‘yung dalawang passion ko –gaming and making movies,” sambit ng direktor.
Nang tanungin naman siya kung ano ‘yung mga “challenges” na pinagdaanan niya bago nabuo ang pelikula.
“‘Yung mahirap sa ganitong genre, wala kang playbook, walang manual, walang template kasi medyo kailangan mong i-pioneer in a way,” kwento ni Direk Mikhail.
Gayunpaman, malaking tulong daw na itinampok nila ang actual game na “Project: Xandata” dahil naging madali ang paggawa nila ng tournaments.
Para sa mga hindi aware, ang nasabing online game ay gawa ng Secret6, ang grupo ng mga Pinoy developers.
Bukod diyan, malaki rin daw ang pasasalamat niya sa Black Cap Pictures dahil naging solid ang kinalabas ng video and sound effects sa bagong film niya.
“‘Yung mga ganitong genre, ang gusto ko is teamwork siya eh….kasi lahat [dapat] game –’yung elements ng movie ma-combine,” ani ni Direk Mikhail.
Para sa mga curious diyan kung tungkol saan ang pelikula, heto ang synopsis na inilabas ng Black Cap Pictures:
“‘Friendly Fire’ follows a team of underdogs in the competitive world of esports. When their star player quits, Hazel (Andalio), a casual gamer with the username Kaya, gets a lucky shot during a match against the Philippine esports national team, going viral and catching the attention of Sonya Wilson (Garcia), the founder of Team ISLA. Sonya recruits Hazel to train as a pro gamer, aiming to elevate Philippine esports to the global stage.”
Ang “Friendly Fire” ay showing na sa mga local na sinehan at ito ay pinagbibidahan nina Loisa Andalio, Coleen Garcia, Yves Flores, Jan Bautista, Harvey Silverio at Bob Jbeili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.