Eugene Domingo ayaw talagang magkaanak

Uge ayaw talagang magkaanak: ‘Yung magmahal na parang isang ina, kaya ko’

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Uge ayaw talagang magkaanak: ‘Yung magmahal na parang isang ina, kaya ko’

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 07:31 AM

Uge ayaw talagang magkaanak: 'Yung magmahal na parang isang ina, kaya ko'

Eugene Domingo Danilo Bottoni

WALANG-WALA pala sa plano ng veteran comedienne na si Eugene Domingo na magkaroon ng sariling anak.

Yan ang rebelasyon ng Kapuso actress at host nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng latest movie niyang “Becky And Badette” kasama si Pokwang.

Of course, hindi na puwedeng madyontis si Uge ngayon, pero aniya, kahit daw noong kabataan niya ay hindi talaga niya nakikita ang sarili na magbuntis at manganak.

“Hindi po talaga. Even if nu’ng kaya ko pa… ngayon, hindi ko na kaya. Hindi talaga. Mahilig ako sa bata. Pero yung hindi galing sa akin. Yung technically, ha?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero yung magmahal na parang isang ina, kaya ko. Pero yung technically na manganak, hindi ko talaga maisip.

“Hindi ko siya parang ginawang kailangan, yung ganu’n. Kailangan magkaanak ako, hindi talaga, eh,” paliwanag pa ni Uge na maligayang-maligaya ngayon sa piling ng kanyang Italian husband na si Danilo Bottoni.

Sabi naman ng kanyang kaibigan at co-star sa “Becky at Badette”, kahit walang anak si Eugene ay tumatayo naman itong nanay sa kanyang mga anak, lalo na sa inaanak nitong si Malia.

Baka Bet Mo: Eugene Domingo muntik nang mabiktima ng online scammer: Ang aga-aga nagpabudol ako!

Chika ni Pokey, “Kasi, nanay naman siya sa mga inaanak niya, e. Hindi niya kailangang manganak para maging isang ina. Nanay din siya ng mga aso niya.”

Samantala, puring-puri naman ni Uge ang pagiging very professional ni Pokwang habang ginagawa nila ang “Becky At Badette.”

Ani Eugene, “Gusto ko yung ambilis kumilos. Kasi siyempre lahat kami sa set, gusto namin, umuwi nang maaga.

“So, hindi na patawag. Yung nagkakaintindihan na kami. ‘Halika na, huwag tayong ano.’ Hindi na yung tipong, ‘nandiyan na ba siya?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi. Basta game, game! Hubad, change. Yon. Tapos pag nasa set na kami, ewan ko, parang hindi na namin pinaplano.

“Pinapabayaan na lang kami ni Direk (Jun Lana). Tapos biglang merong lilitaw na bardagol. Yung ganu’n, di ba, Sis? So, organic. Organic yung labas ng comedy,” sey ni Uge.

Baka Bet Mo: Eugene kay Pokwang: ‘You give, give, give and now you fight, you stand up…you will survive!

Sey naman ni Pokwang kay Uge, mahilig itong magpakain at magdala ng kung anu-ano sa set, “Mararamdaman mo siya, hindi lang katrabaho, pamilya. Palaging, ‘O, kumusta ang inaanak ko? Dun mo dalhin sa magandang school, hindi ganyan.’

“So, mararamdaman mo na hindi lang bilang artista, bilang katrabaho. Mararamdaman mo rin yung concern niya sa inaanak niya, na talagang nandiyan siya.

“And pag may hinanakit ako, nakikinig yan, lagi siyang nakikinig sa akin. Thank you, Uge!” mensahe niya sa BFF.

Reaksyon ni Uge, “Wala akong choice, Sis, ako yung kasama mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Becky and Badette” ng IdeaFirst Company sina Agot Isidro, Romnick Sarmenta, at Adrian Lindayag with Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Ice Seguerra, Moira dela Torre, Christian Bables, Janice de Belen, Gladys Reyes, Sheryn Regis, Sharlene San Pedro, Timothy Castillo, Joross Gamboa, Victor Silayan at Press Hit Play.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending