Pokwang, Uge hiling na mapanood ni Ate Vi ang ‘Becky and Badette’
BILANG tagahanga ni Ms. Vilma Santos-Recto sina Pokwang at Eugene Domingo ay nanawagan ang dalawang aktres sa kanilang idolo na sana mapanood nito ang pelikula nilang “Becky and Badette” na entry ng IdeaFirst Company ngayong 2023 Metro Manila Film Festival.
Sabi ni Uge, “Sana Ate Vi please kung may time ka December 21 (premiere night). Baka may time ka (manood).”
Ayon naman kay Pokwang, “manonood din kami ng When I Met You in Tokyo, kung baga tawiran ganern para magkatulungan.”
May eksena kasi sa “Becky and Badette” na ginaya nina Uge at Pokie ang acting nina Christopher De Leon at Ate Vi sa eksenang sobrang sakit na ng ulo ng una kaya natataranta sap ag-aalala ang huli. Ang eksena ay sa pelikulang Relasyon noong 1982.
“The movie is really a love letter to Philippine cinema. It pays tribute not only to Ate Vi and her movies, but also to Sharon Cuneta, Maricel Soriano and Tito Dolphy,” sabi ni direk Jun na siya rin ang nagsulat ng script.
Kuwento ni Uge kung paano sila naging magkaibigan ni Pokie, “I was a judge and she was a contestant in Clown in a Million searching for new comedians in 2004. She was a stand out in that contest. Nakakatuwa siya and ang akala ko, bakla siya.
“Babae pala. So she won. Then nagkasama kami sa show ni Charlene Gonzales na ‘At Home Ka Rito’. Wala pa siyang sasakyan noon and after the taping, sumasabay siya sa akin sa pag-uwi. Nakita ko pag-angat niya hanggang nagkaroon na siya ng sasakyan at naging sila ni Lee at kinuha niya akong ninang ng anak niyang si Malia.”
Baka Bet Mo: Pokwang hindi ipinagdamot si Malia sa ex-dyowa; goodbye kanegahan sa 2024
At para ma-test ang friendship nang dalawa ay nagpa-games si DJ Jhaiho kung gaano kakilala nina Pokwang at Eugene ang isa’t isa by completing the sentence.
Si Pokie ang unang bumunot at binasa ni Jhaiho,“ang kailangan ko sa buhay ngayon ay…’
“Pahinga,” sabi kaagad ni Pokwang.
Tanong tuloy ni Uge sa kaibigan na tila nairita, “bakit? Mukha ba akong pagod? Nag-ayos ako papunta rito, tapos mukha akong pagod? Ano pa hitsura ko kung hindi ako mukhang pagod? Kaloka!”
Hindi raw akma ang salitang ‘pahinga’ dahil super fresh siyang dumating para sa mediacon ng Becky and Badette.
Ipinipilit pa rin ni Okie, “hindi, kasi grabe ka magtrabaho.”
“Hindi mo lang naintindihan ang instruction, pinu-push mo talaga,” katwiran ni Uge.
Pati tuloy si Jhaiho ay nagtanong na rin kung kailangan ba talaga ni Eugene ng pahinga.
“Hindi! Hindi naman ako pagod. Ano ba ‘yan? Tatanga-tanga naman!” birong asar ni Uge kay Pokwang.
“Naku, away ito, away ito!” say ng Pokie.
Tanong tuloy ni Eugene,“sino ba kasi nagpauso nitong game na ito?”
“Si Direk Jun,” mabilis na sabi ni Jhaiho.
Biglang kambyo si Uge, “Ay, si Direk Jun ba? Naku, ito na ang pinakamagandang game na nagawa ko.”
At turn na ni Uge ang bumunot at sabi niya kay Pokwang, “itong isasagot ko ay para sa ‘yo at kailangan mag-react ka. ‘Mamahalin kita forever kung, ‘kung kaya mong ipaglaban ang anak ko.’
“Ang husay, bumawi ka mamang,” buska ni Jhaiho kay Pokie.
Binasa naman ni Pokie para kay Uge, “nagiging marupok ako pag lumalalim na ang gabi t puyat na!” diretsong sabi ng kaibigan ni Eugene.
Nagkatawanan ang lahat at hirit ni Uge, “sino kaya ‘yung alas nuwebe (nang gabi) palang (minuwestra niya Pokie na sumimangot) ‘wala akong balak matulog dito, huh? Bumabaha dito alam ba nila Sis, alam ba nila.”
Tawa naman ng tawa si Pokwang dahil first time siyang ibuko na nagre-reklamo siya kasi wala namang nababaliang reklamador ang komedyana.
Si Uge kasi parati ang pinalalabas ng lahat na may ‘diva attitude’ kaya nakakapanibago ang pambubuking ng una.
Hirit ulit ni Uge, “ako talaga ang nagre-reklamo pag gabing-gabi na? Ako talaga?”
Sagot ni Pokie, “sis, ayoko na lang magsalita.”
“Ako nagre-reklamo pag gabing-gabi na, sino mas madalas?” tanong ni Uge sa kaibigan.
“Hmm, dinadaan mo lang sa kain,” giit ni Pokwang.
“O, masama kumain?” sagot naman ni Uge.
Sabay tawanan ang dalawa dahil naglalaglagan ang dalawa.
Isa pang ibinuking ni Uge kay direk Jun ay ayaw daw ni Pokwang ng magkaka-sunod na araw ang promo, gusto nito ay alternate.
“Kasi nalilito siya (Pokwang – sa oras at araw). Kasi itong si Pokie very professional, halimbawa 8am ang call time, alas singko ng madaling araw nasa set na,” kuwento ni Uge.
Katwiran naman ni Pokwang ay para raw hindi siya ma-trapik dahil kapag inabot na ng sikat ng araw sa lugar nila sa Antipolo City ay super traffic na.
“Ilang mall ang dadaanan ko,”giit pa ni Pokie.
Isa pang pambubuking ni Uge ay para mapangiti lagi si Pokwang sa set ay dapat bigyan siya ng tseke (talent fee) dahil talagang gaganahan na.
Ganting sagot ni Pokie, “ganu’n din kay Uge.”
Saka nagtawanan sina Becky and Badette.
Hindi na kami nagtaka kung bakit nasa top 4 ang pelikula nina Uge at Pokwang sa latest survey na uunahing panoorin ng netizens simula sa December 25 ay dahil gusto nilang tumawa ng tumawa sa loob ng dalawang oras bilang pansamantalang mawala ang stress sa katawan.
Kasama rin sa “Becky and Badette” ay sina Romnick Sarmenta, Agot Isidro, Adrian Lindayag, Angie Castrence, Peewee O’Hara with special appearances nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Empoy, Moira dela Torre, Christian Bables, Janice de Belen, Gladys Reyes, Sheryn Regis, Sharlene San Pedro, Timothy Castillo, Joross Gamboa, Sigrid Bernardo, Via Antonio at Ice Seguera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.