Lee O’Brian muling nakapiling ang anak; Pokwang pinuri ng netizens
NATUWA ang mga social media followers ni Pokwang nang makita ang mga litrato ng kanyang anak na si Malia kasama ang amang si Lee O’Brian.
Ibinandera ng American actor at ex-partner ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang bonding moments nila ng kanyang anak.
Base sa caption na inilagay ni Lee sa kanyang Instagram post nitong nagdaang November 27, muling nagkita at nagkasama ang mag-ama nitong long weekend.
Ito ang unang pagkakataon na naka-bonding uli ng American actor ang kanyang anak mula nang palayasin siya ni Pokey sa kanilang bahay noong tuluyan na silang maghiwalay.
“Had a blast this weekend with you , my dear @malia_obrian . Love you sweetie!!!” ang nakasaad sa caption ng IG photos ni Lee.
Baka Bet Mo: Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen
In fairness, marami namang positibong comments sa mula sa mga netizen sa muling pagkikita ng mag-ama. Pinuri rin nila si Pokwang sa pagpayag na makita uli ng dati niyang dyowa si Malia.
View this post on Instagram
“Malia with daddy Lee. Look at the smile! Happy to see you both together!”
“Finally the [ex] decided to let her daughter be with her Dad. And it’s so nice to see them both together again.”
Baka Bet Mo: Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia
“Great to see you both together in this photo. Happy for you brother.”
“Daddy’s girl, good to see you guys together.”
“Daddy Girl Glad to see you both spent time together love love.”
“Buti pinahiram ng bitter X mo.”
Sa lahat ng pictures na ipinost ni Lee O’Brian sa IG, ay hindi makikita si Pokwang kaya mukhang ang mag-ama lang talaga ang magkasama sa kanilang pagba-bonding.
Nang i-check namin ang IG page ni Pokey ay wala pa siyang post tungkol sa pagkikita ng kanyang bunsong anak at ng tatay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.