Eugene Domingo pinayuhan si Pokwang: Mayroon tayong mga pinaglalaban na pwede tayong hindi manalo
NAGBIGAY ng payo ang beteranang aktres na si Eugene Domingo sa pinagdadaanan ngayon ng kaibigang si Pokwang.
Sa “Showbiz Update” vlog ay ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang panayam kay Uge kung saan natanong niya kung ano nga ba ang masasabi niya ukol sa kasalukuyang isyu ng kaibigan sa dating partner na si Lee O’ Brian.
“Kung saan magiging malaya ‘yung pakiramdam mo. ‘Yung makakatulog ka nang maayos. Maiisip mo na hindi ang ikaw ang involved dito. May anak ka, may pamilya ka, timbangin mo din,” pagbabahagi ni Eugene.
Aniya, may mga bagay kasi na hindi lang patungkol sa sarili at sa pinaglaban lalo na kung may ibang madadamay sa proseso.
“Minsan hindi lang ito tungkol sa ‘yo at sa ipinaglalaban mo. Baka mayroon tayong isipin in the future. Paano ito magiging hadlang o makakatulong ba ito sa mga mahal mo, sa mga anak mo. So doon tayo sa balanse,” sey pa ni Eugene.
Chika pa niya, hindi sa lahat ng bagay ay nagtatagumpay ang taong lumalaban.
“Mayroon tayong mga pinaglalaban na pwede tayong hindi manalo at mayroon tayong ipinaglalaban na sure win tayo. Balanse lang,” lahad ni Eugene.
Bandera IG
Baka Bet Mo: Eugene kay Pokwang: ‘You give, give, give and now you fight, you stand up…you will survive!
Ayon sa kanya, nakikinig naman daw sa kanya si Pokwang peri meron pa ring pagkakataon talaga na hindi niya ito makontol.
Naniniwala si Eugene na darating rin ang kaligayahang deserve ni Pokwang.
“Ang sa akin lang, sabi ko, maganda ka. May magmamahal sa ‘yo. Maniwala ka sa akin. So kung hindi man ngayon, pagkatapos ng lahat,” sabi pa ng beteranang aktres.
Bagamat bilib siya na ipinaglalaban ni Pokwang ang pagtataguyod sa kanilang anak na si Malia ay inamin niyang mas iniisip niya kung ano ba ang magiging epekto nito sa bata.
Pagpapaliwanag ni Eugene, “Gusto ko yung gusto niyang ipaglaban yung pagtaguyod sa anak kasi reyalidad yun, e. Hindi mo naman kayang mag-isang itaguyod yung anak mo financially. Pero nandoon rin ako sa iba rin yung point of view ng bata.
Tanungin niya. Kausapin niya si Malia.
“Kasi baka minsan iba talaga ang isip ng ina at asawa. Tanungin mo nga kung anong posisyon mo dito o alam mo ba na ganito ang nangyayari? Sa akin nga wala akong pakialam sa mga matatanda, e. ‘Yung bata, andu’n ako.”
Matatandaang naghain na ng reklamo si Pokwang laban sa kanyang dating partner upang ipa-deport ito dahil sa diumano’y paglabag sa mga panukala sa bansa kaugnay ang visa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.