X-Factor UK finalist Alisah Bonaobra na-pressure sa pagkanta ng ‘Hanggang Kailan’ ni Angeline: ‘Kasi ultimate idol ko po talaga siya!’
SINIGURO ng award-winning composer na si Joel Mendoza na ibang-iba ang bagong version ng isinulat niyang kanta noong 2014 na “Hanggang Kailan.”
Ang naturang kanta ang ipinanglaban ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa “Himig Handog P-Pop Love Songs” mahigit isang dekada na ngayon ang nakararaan.
At ngayon nga ay ginawan niya ito ng bagong tunog at ni-revive ng itinanghal na runner-up sa “The Voice of The Philippines” (2014) na si Alisah Bonaobra.
View this post on Instagram
Balik-Pilipinas si Alisah para sa i-record ang “Hanggang Kailan” makalipas ang ilang taong pananatili sa Amerika kung saan niya tina-try ang kanyang international career.
Ang “Hanggang Kailan” ay mula sa San Francisco-based na RJA (Rosabella Jao-Arribas) Productions at distributed ng Star Music PH.
Baka Bet Mo: Luis, Jessy may mahigpit na ipinagbabawal kapag magkasamang kumakain, ano kaya yun?
Sa mga hindi pa masyadong aware, unang sumali si Alisah sa “X Factor UK” at naging isa nga siya sa mga naging finalist. In fairness, talagang nagmarka si Alisah sa nasabing reality talent search at umani ng papuri mula sa iba’t ibang lahi.
Sa naganap na presscon ni Alisah para sa launch ng version niya ng “Hanggang Kailan” last Friday, nabanggit niya na plano niyang subukan ang swerte niya sa “The Voice US”. Gusto rin daw niyang mag-audition sa iba’t ibang musical play sa US.
View this post on Instagram
“Ang goal ko talaga kasi ay maibigay sa family ko ang the best life. Para maibalik ko naman ang pagmamahal nila sa akin,” ang pahayag ni Alisah.
Sa darating na May 11, babalik na siya sa Amerika at doon na rin kukunan ang music video ng “Hanggang Kailan.” Bongga ni Alisah, di ba?!
Sa tanong kay Alisah kung bakit dapat suportahan ng madlang pipol ang version niya ng “Hanggang Kailan”, “It’s because it’s a Composer’s Cut, and it’s different from the original version. And because this is an OPM song.”
May pressure ba sa pagre-revive niya ng “Hanggang Kailan” lalo pa’t biritera at award-winning din si Angeline? “Ay, oo naman po! Kasi siyempre, ultimate idol ko rin po talaga si Angeline Quinto.
“And almost all her songs, kinakanta ko sa karaoke po. So nu’ng sinabi sa akin na we will revive the song, grabe, sobrang speechless po ako,” aniya pa.
Proud na proud naman si Joel sa version ni Alisah ng “Hanggang Kailan”, “Magaling si Alisah. She is vocally good and there’s exellent communication and understanding while we’re recording. Masayang-masaya ako sa version ni Alisah.”
View this post on Instagram
“Please po pakinggan ninyo ‘yung version ni Alisah. Kasi ‘yun po ang talagang gusto kong iparinig, ‘yung gusto kong i-share na istorya ng kanta, ‘yung kumpleto.
“Hindi ‘yung nangyari sa version ni Angeline, na parang pinalitan ng producer, yung lyrics, binago, and everything like that. At wala pong kasalanan si Angeline du’n.
“Kasi meron po kaming limitation, 4 minutes for the contest (Himig Handog).
“And sabi po sa akin, hindi naman pang-radio ‘yung version ni Alisah, especially ngayon, hindi na uso ‘yung radio, spotify na po, at digital na ang plaforms, sa YouTube and everything. So wala na po tayong limit na 4 minutes,” aniya pa.
Samantala, kinilig naman si Alisah nang banggitin ang aktor na hinahangaan niya, at yan ay walang iba kundi si Piolo Pascual
“Yes po, si Piolo talaga, grabe! Pero mukhang may musical play rin siya ngayon. So, sana naman! Sana ay pumayag siya na maging part ng aking music video, na isu-shoot po sa Los Angeles.
“Sana nasa Amerika siya next month. At sana mapagbigyan niya ako. Wala na kasi akong nakikita na mas hihigit pa kay Piolo, eh! Ha-hahaha!” chika pa ni Alisah.
Kilalang aktor at aktres todo tago pa rin sa tunay na relasyon; wala pang balak umamin
Vice Ganda: Gusto kong magkaanak, hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.