Vice Ganda: Gusto kong magkaanak, hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa | Bandera

Vice Ganda: Gusto kong magkaanak, hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa

Ervin Santiago - September 21, 2022 - 07:23 AM

Ion Perez at Vice Ganda

TULAD ng ibang miyembro ng LGBTQIA+ community, gusto rin ni Vice Ganda na magkaroon ng sarili niyang anak in the future.

Pero ang tanong nga lang, kailan niya kakaririn ang “paggawa” ng baby at kung handang-handa na nga ba siyang maging magulang.

Sabi ng Unkabogable star, matagal-tagal na rin niyang pinag-iisipan ang tungkol dito pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin itong plano na hindi pa niya naisasakatuparan.

Sa latest YouTube vlog ni Maricel Soriano, nabanggit ng Kapamilya comedian ang pros and cons ng pagkakaroon ng anak sa edad niya ngayon.

“Kung gusto kong magkaanak? Yes, gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa,” sabi ni Vice.

Malapit nang mag-50 ang TV host-comedian kaya naman hindi maiaalis sa kanya ang makaramdam ng pag-aalinlangan.

Aniya pa, kung magkakaroon siya ng sariling anak mas gusto niya ang baby girl para mabihisan niya nang bonggang-bongga at mabigyan niya ng grand debut party.

“Actually nagko-compute din ako. ‘Maaalagaan ko pa ba ito pag ganitong edad? Pag nag debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya?’ Iniisip ko rin yung mga ganu’n,” pahayag ni Vice.

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Samantala, sa isang bahagi ng vlog ni Maricel, nasabi rin ni Vice na balak din talaga niyang nag-propose kay Ion Perez kung hindi ito ginawa ng model-actor.

Aniya, talagang ang pagpapakasal nila ni Ion ang isa sa pinakahihintay niyang moment sa kanilang relasyon.

“Nu’ng na-meet ko si Ion, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life, and I need him to be in my life,” pahayag ni Vice.

Matatandaang ilang beses nang natsismis na nagkalalabuan na ang celebrity couple pero palagi lang nilang dinedenay at pinagtatawanan ang mga ito.

https://bandera.inquirer.net/304882/luis-jessy-may-mahigpit-na-ipinagbabawal-kapag-magkasamang-kumakain-ano-kaya-yun
https://bandera.inquirer.net/288153/kilalang-aktor-at-aktres-todo-tago-pa-rin-sa-tunay-na-relasyon-wala-pang-balak-umamin

https://bandera.inquirer.net/303746/kris-bernal-wala-pang-planong-magka-baby-gusto-munang-mag-travel-at-magpatayo-ng-malaking-bahay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303746/kris-bernal-wala-pang-planong-magka-baby-gusto-munang-mag-travel-at-magpatayo-ng-malaking-bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending