Luis, Jessy may mahigpit na ipinagbabawal kapag magkasamang kumakain, ano kaya yun? | Bandera

Luis, Jessy may mahigpit na ipinagbabawal kapag magkasamang kumakain, ano kaya yun?

Ervin Santiago |February 06,2022
facebook
share this

Luis, Jessy may mahigpit na ipinagbabawal kapag magkasamang kumakain, ano kaya yun?

Ervin Santiago - February 06, 2022 - 07:01 AM

Jessy Mendiola at Luis Manzano

HINDI tulad ng ibang celebrities,  walang issue kina Luis Manzano at Jessy Mendiola kung palagi silang natatanong kung kailan nila balak magkaroon ng baby.

Para sa ibang showbiz couples, nakaka-offend kapag paulit-ulit na lang silang kinukulit tungkol sa pagkakaroon ng anak o kung kailan sila magbubuntis.

Pero para kay Luis, hindi ito big deal, sa katunayan ilang beses na rin siyang natatanong hinggil dito at paulit-ulit din niyang sinasagot ang press na naniniwala siyang darating din ang tamang panahon para sa pagkakaroon nila ni Jessy ng anak.

Kasunod nito, ipinagtanggol naman ni Luis ang asawa sa mga netizens matapos ngang patulan ng kanyang misis ang ilan niyang social media followers na pumuna sa ginagawa niyang pagwo-workout.

Paano raw siya mabubuntis kung palagi siyang nag-e-exercise, baka raw workout siya nang workout yun pala buntis na siya.

Paliwanag ni Luis sa isang online interview, “You know, please correct me if I’m wrong, you know, if there are other ladies inside the room… parang, it may be a bit different, you know, for ladies. Baka lang iba yung pressure na ibigay sa kanila.

“Pero siguro yung kay Jessy, yung pinost niya on Instagram or social media, para sa akin, it wasn’t simply people asking kung kailan kami magbi-baby.

“Kasi people were bombarding her na parang sinasabi na du’n siya na-stress, na parang may nagku-comment na, ‘Bakit ka nagwu-workout? Di ba kayo nagta-try mag-baby? Bakit ka nagpapa-abs?’” paglilinaw pa ng Kapamilya host at aktor.

Bukas naman daw silang mag-asawa sa mga advice at suggestions ng netizens pero  parang hindi na yata tama ang mga kanegahang ibinabato kay Jessy.

“Kumbaga, ang daming input na binibigay na, kumbaga, not necessarily true or applicable. Pero siguro yung tanong lang, you know, there are questions kasi na alam mong may nag-iintriga talaga.

“Na alam mong may mga questions na nang-aasar talaga, and there are questions na gusto lang talaga malaman ng mga tao dahil natutuwa sila para sa ‘yo.

“So siguro, dun lang bumagsak na ibang categories na yun, na it wasn’t simply a question because natutuwa sila para sa ‘yo,” paliwanag ni Luis.

View this post on Instagram

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Samantala, nagbahagi rin ang TV host tungkol sa mga kaganapan sa buhay nila ni Jessy as married couple. May mga adjustment pa ba siyang ginagawa para magampanan niya ang kanyang trabaho at pagiging husband?

“Ako siguro, you really have to put in the effort. You set certain days for date night, or certain lambing afternoons where you try to find certain breaks that you do, whether it be Batangas or simple trips.

“Para sa akin, the work will be there. I’m thankful for work but I’m even more thankful that I get to have a home with Jessy.

“So, para sa akin, I will always find a way whether it be two to three hours lang na talagang just conversation,” chika pa niya.

At knows n’yo ba na may kasunduan sila ni Jessy kapag kumakain, “When we have lunch or dinner, bawal ang phone sa table unless it’s really important. So, ganu’n talaga, and I completely understand that she has a busy schedule.

“Kasi for the both of us, we always consider work as a blessing, di ba? There’s so many people na, ‘Sana may trabaho ako’, and kami nabibigyan. And we’re thankful for that.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, hindi rin namin mapapakawalan yung opportunity na yun, and hindi rin namin papakawalan yung quality time na we have for each other,” pahayag pa ni Luis Manzano.

Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending